Totoo ang kasabihang “natututo lang ang tao pag may nangyari nang hindi maganda”. Kasabay din nun ang pagsisisi kapag nakagawa tayo ng mali, sadya man o hindi. May mga bagay na akala natin okay lang. Panatag tayo na ayos lang. May maapektuhan man o wala, may masaktan man o wala, basta nagawa natin ang gusto natin, wala na tayong pakialam. Pero pano pag dumating sa punto na gumanti sa’yo ang karma? May magagawa ka pa ba?
Last time, may naka-usap ako na hindi ko naman masyadong close pero nakapag-open up sa akin tungkol sa buhay pag-ibig niya kamakailan lang. Marapat na hindi na lang pangalanan ang tao na ito pero nagpapasalamat ako dahil sa simpleng tanong ko sa kaniya, nauwi sa heart-to-heart talk ang usapan namin.
Siguro sinasabi niyo na “Eto na naman si Nikki, pag-ibig na naman ang topic”. Pasensya na. Hanggang blog na lang ata ang pag-ibig sa akin. Pero para sa inyo rin naman ang mga sinusulat ko. Hindi naman ako nagsusulat para lang sa wala. Siguro nga ako yung babaeng hinding-hindi magsasawa gumawa ng blog post tungkol sa pag-ibig. Pangit man o maganda ang kwento, hindi ako mapapagod.
Karma. Ang karma ay hindi laging masama. May good at may bad karma. Pag may mabuti kang ginawa, masusuklian ka rin ng kabutihan. Pero pag may ginawa kang masama, asahan mong yan din ang babalik sa’yo. Tulad lang yan ng “kung anong itinanim, siyang aanihin”.
Ayon sa naka-usap ko nung isang araw, ibinahagi niya sa akin kung papaano siya makipagrelasyon sa mga babae dati. Parang walang kaso sa kaniya kung magbreak sila o hindi dahil alam niyang marami pa namang iba. Kumbaga, parang nagbibilang lang siya ng babae at hindi niya sineseryoso ang mga ito. Hanggang sa nakatagpo siya ng babae na makakapagpabago sa kaniya. Nagawa niyang magpakatanga dahil sa pagmamahal niya pero tuluyang nawala sa kaniya. Ramdam ko yung sakit na naramdaman niya habang nagkukwentuhan kami. Siya na rin mismo nagsabi na iniisip niya na kaya nangyari ang lahat ng iyon ay dahil sa karma. Maloko siya noon kaya siningil siya ngayon.
Nagtanong lang naman ako kung anong mas gusto niya: kung mas matanda o mas bata ang babae kesa sa kaniya. Sabi niya mas pipiliin daw niya ang mas matanda kesa sa kaniya kasi ayaw na niya ng mga isip bata. Dahil lang sa tanong na yun humantong kami sa seryosong usapan tungkol sa ex niya.
Habang pinag-uusapan namin yung ex niya, naisip ko na totoo nga talaga na may mga babaeng hindi marunong maka-appreciate ng effort ng lalaki. Hay nako! Samantalang ako, lagi kong sinasabi na “small effort counts”! Kahit gaano kaliit ang effort ng lalaki para sa’kin, basta mapatunayan lang na mahal ako sapat na yun. Well, magkaiba kami nung babae. Demanding siya, ako hindi. Maarte siya, ako slight lang. LOL. HAHAHAHA!
Kidding aside, humanga ako dun sa lalaki na kausap ko kasi kahit na mas bata siya sa’kin, matured siya mag-isip at bihira na makita ang ganun sa isang lalaki lalo na sa usaping pag-ibig. Alam ko marami pang maloloko diyan. Pero sige lang… walang pumipigil sa inyo. Hintayin niyo na lang na makahanap kayo ng katapat.
“Nagbago na ko”. Yan yung sinabi sa akin nung kausap ko. Mahirap man paniwalaan ang mga taong nagsasabi ng ganyan, naniwala ako dahil nakita ko talaga sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere. Mula sa kwento niya kung paano siya magloko, hanggang sa effort na ginawa niya para sa ex niya, dun ko nakitang totoo siya.
Haaay! Kung pwede lang magsurvey at humanap ng matinong lalaki, matagal ko na sanang ginawa para makapili ako ng tamang lalaki para sa akin. Pero hindi eh. Ang pag-ibig, nasa pana ni Kupido. Kung sino man ang tamaan nito, paniguradong mahuhulog. Yun nga lang, kanino mahuhulog? Sa tama o sa maling tao?
Ang pag-ibig, pwedeng mapaglaruan depende sa taong humahawak. Pero ang tunay na pag-ibig, pag hinawakan mo na, dalawang bagay lang ang pwede mong maramdaman: kasiyahan dahil pareho kayong nagmamahalan o kalungkutan dahil isa sa inyo ang nasaktan.
Tandaan niyo lang na ang karma ay parang pana ni Kupido. Yun nga lang, ang karma ay tatama sa iyo para gisingin ka mula sa kahibangan mo at turuan ka ng leksyon dahil sa mga maling nagawa mo. Ang pana ni Kupido naman, tatama sa’yo pag nandiyan na ang taong nakatakda para mahalin mo at magmamahal sa’yo.
No comments:
Post a Comment