Kayo ba yung tipo ng tao na may hinihintay na sana pag gising mo sa umaga, siya yung unang babati sa iyo ng “good morning”? O kaya naman bago ka matulog, siguradong magiging maganda ang panaginip mo dahil siya ang huling magsasabi sa’yo ng “good night”? Minsan ba nasabi niyo sa sarili niyo na ang sarap pag may isang taong nagpaparamdam sa’yo na mahalaga at espesyal ka sa kaniya kahit na hindi kayo nagkikita? Yun bang dahil sa isang text kumpleto na ang araw mo.
Ang sarap ma-in love. Diba? Sa panahon ngayon, hindi na mawawala ang palitan ng text message lalo na sa dalawang taong nagpaparamdaman na mahal nila ang isa’t isa. Tulong din yan para sa mga nagliligawan pa lang at lalo na sa mga magkarelasyon na.
Lahat tayo may iba’t ibang opinyon tungkol sa text message. Maaaring iba ang perception niyo sa perception ko at pwede rin namang magtugma ang mga pinaniniwalaan natin tungkol dito. Pero aminin niyo, walang araw na hindi kayo naghihintay na sana pag tunog ng cellphone niyo, galing kay mahal/crush/jowa/boyfriend/girlfriend o kung sino pang espesyal sa puso niyo ang text na natanggap niyo.
Ako kasi, may ugali ako na pag hindi ako nakakatanggap ng text mula sa kahit na sino, wala akong dahilan para magtext. Pwera na lang pag may importante akong dapat sabihin. Minsan pag bored ako, mapapa-group message na lang ako. Kung may magreply, salamat. Kung wala, edi wala. Simple lang naman. Ganyan ako pag single. LOL. HAHAHAHA! (Edi lumabas rin! lol)
Seryoso nga. Pag kasi may boyfriend ako, I always do my daily rituals. One or two texts a day. One saying good morning and the other saying good night. Gusto ko kasi pag gising ko sa umaga, magtetext ako sa kaniya para alam niya na gising na ko at siya naalala ko. Sa gabi naman, gusto ko bago ako matulog sa kaniya ulit ang last text ko. Wala lang. Para lang sweet. Pero kasi ang dahilan ko sa ganun, gusto ko ipaalam sa kaniya na siya ang una at huli kong iniisip araw-araw. HAHAHA! OA. LOL. Walang basagan! Eh sa ganun ako eh. Magreply man o hindi, basta ginawa ko yung sa tingin kong sweet.
Kayo rin naman may ka-sweetan sa katawan hindi ba? Siguro sa iba iisipin niyong corny ako. Well, wala akong pakialam. Walang basagan. HAHAHA!
Pag nakatanggap kasi ako ng text, naiisip ko na “Ay! Naaalala pala niya ko”. Kahit na GM lang, at least nadaanan ako. Mababaw lang akong tao at kahit maliliit o simpleng bagay na-aappreciate ko. Kaya ganun na lang ang halaga ng kahit isang text sa akin.
Wala lang. May ma-ipost lang para sa araw na ‘to. Bigla ko lang kasi naalala na may mga araw na maingay ang cellphone ko dahil sa mga text messages. At may mga araw rin na tengga. Kumbaga “walang nagmamahal”. LOL. HAHAHA!
Kayo? Anong kwentong text message niyo?
No comments:
Post a Comment