Have you ever heard of this song? Wala lang. Kahapon kasi nung nasa fx ako, yan yung kanta na tumugtog sa radyo. Pinakinggan ko lang kasi first time ko siya marinig. Kung naririnig niyo yung kasabihang “Maginoo pero medyo bastos”, siguro sa kantang yun nanggaling.
Para maka-relate kayo sa sinasabi kong kanta, click this.
Kahit hindi gwapo. Kahit na di matalino. Basta’t siya’y may puso, siya pa rin ay gugustuhin ko.
BASTA MAY PUSO, GUGUSTUHIN KO. Ito namantalaga ang mahalaga para sa akin eh. Seryoso, tapat, at totoo… mga bagay na dapat hindi mawawala sa lalaking pipiliin ko makasama.
Kung pinapakinggan niyo na yung kanta, pansinin niyong mabuti yung lyrics. Lahat yun tungkol sa lalaking gusto nung singer. Title pa lang obvious na diba? HAHAHA! Pero hindi ibig sabihin na may standards yung babae sa pagpili ng lalaki.
Bahala na nga kayo mag-interpret. Hindi ko na kasi alam kung pano ko pa ipapaliwanag sa inyo eh. HAHAHA! May ma-ipost lang. LOL.
Para maiba na lang, ito ang mga tipo kong lalaki:
- May sense of humor. Mababaw kasi akong tao at nakakawala ng stress ang pagtawa kaya gusto ko ng lalaking makakapagpatawa sa akin.
- Thoughtful. A serious kind of being sweet. Gusto ko lang na may nagreremind. Ganun. Gusto ko yung inaalala ako. Kasi ako yung babae na makakalimutin pero para sa taong mahal ko, hindi ko nakakalimutan mag remind.
- God fearing. I want God to be the center of my future relationship as well as my future family. Di naman kailangan maging laman ng simbahan. Pero kasi factor na siguro na active akong church choir member kaya gusto ko strong din yung pananampalataya nung lalaking pipiliin ko.
- Understanding. I have mood swings. And most of the time masungit ako. So kung hindi ako maiintindihan, wag na lang.
- Sweet. Ako kasi yung babaeng kulang ata sa ka-sweetan sa katawan. Ewan ko ah. Yun bang parang hindi naglalambing. Well depende naman kasi yun. Sweet din naman ako sa paraang alam ko. HAHA!
- Loyal. Pag sinabi mong tayo na, ako lang ang ka-relasyon mo. WALA NANG IBA PA! Dahil pag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang talaga. Tapos ang usapan! Haha!
- Adventurous/traveler. This is me and I want my guy to travel with me and explore things. Way rin ‘to para magkakilala pa kami ng lubos. Diba?
- Hindi torpe. Manhid kasi ako
minsan. Hindi ko minsan nararamdaman kung may pahiwatig ang isang lalaki. Kaya gusto ko straight to the point. Straight pero hindi tunog manloloko. Basta ganun.
Ayan. Yan ang mga tipo kong lalaki. Walang nakalagay na physical attributes noh? Eh wala talaga. Di ako tumitingin sa panlabas na anyo ng tao eh. Kalooban ang gusto ko. :)
No comments:
Post a Comment