Sa wakas! Natapos na ang exams at nakita ko na ang mga grades ko. Mga requirements na lang ang dapat atupagin at siyempre, ang walang kamatayang thesis. Kaka-defend lang tapos gusto agad ng final defense. So ano ako, wonder woman na kayang mag collect ng data sa loob ng dalawang linggo?! Kaya siguro kung walang pinagkaka-abalahang duty, case presentation, seminar at kung ano-ano pang gawain sa school. Sa bilis ng oras, di ko kayang hatiin ang sarili ko para isingit pa ang thesis ko. Alam ko namang dun nakasalalay ang diploma ko pero hindi naman pwedeng isubsob ko ng sobra ang sarili ko dun. Nakaka-stress kaya!
Bukod sa kaliwa’t kanang iniisip sa eskwela, nakatuon din ang isipan ko sa problema sa bahay. Siguro nga unang beses ko lang maramdaman ang ganitong klaseng problema kaya apektado ako masyado. Kung ano man yun, akin na lang muna. Although alam kong may mga tao na naglaan ng konting oras nila para makinig sa akin (maraming salamat sa inyo).
Dahil sa bigat ng nararamdaman ko, hindi ko napigilan ang luha ko nung kausap ko yung prof ko. Para ko na kasi siyang nanay at anak na rin ang turing niya sa amin. Hindi ko akalain na iiyak ako kanina bago magsimula ang exam. At akala ko ikakabagsak ng grade ko ang mga problemang nararanasan ko ngayon. Sa totoo lang, tinamad na ko mag-aral. At hindi ko talaga binalikan ang mga topics na na-discuss namin. Pero sadyang mabait si Lord (sadyang above average ang IQ level ko. LOL!) at nakuha sa “stocked knowledge” ang final exam ko. YAY! :) Kahit dun man lang napalitan ng ngiti yung malungkot at masungit kong mukha. HAHA!
At talagang nagpapasalamat ako dahil may mga taong nagpapasaya sa akin. Pagkatapos ng exam, kumain kami sa <insert food chain here> at nagtawanan. Dito na rin nabuo ang “bola-chi sa table #44”. HAHAHA!
*Calling Kim and Macy! Salamat sa pagpapatawa sa akin. :)*
Kasi naman. Nasa table #46 kami at yung dalawang lalaki sa table #44 walang tigil ng tingin. At may pa-ngiti ngiti pang nalalaman. Alam kong sa akin ang “Ngiti tayo kaibigan” pero nakaka-ilang yung ganun. LOL. HAHAHA!
Habang nasa CR at nagpapaganda si Kim, seryoso kaming nag-uusap ni Macy tungkol sa hindi pagpayag ng mga magulang niya umalis.
AKO: Baka naman kulang lang sa bolachi ang mama mo?
MACY: Hindi ko nga ma-bolachi eh.
Bigla na lang akong natawa nung sumagot siya sa tanong ko. Seryoso kasi ako tapos hindi ko inaasahan na sasabihin din niya yung “bolachi”. HAHAHA!
Well anyway, kahit sa simpleng usapang ganun medyo gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Salamat talaga! :)
No comments:
Post a Comment