Mahirap bang alamin muna ang buong storya bago magreact? Yan ang hirap sa mga tao ngayon eh. One-sided masyado. Makarinig lang ng kwento sa isa yun agad ang paniniwalaan. Gaano ka kasigurado na reliable ang source mo? Pano kung kasinungalingan lang mga sinasabi niyan at ikaw naman todo paniwala? Tapos dahil sa nagpa-apekto ka, kung ano-anong post ang magsusulputan sa mga status message mo.
Guys, kung may problema kayo sa tao, hindi niyo kailangan magparinig ng magparinig sa mga social networking sites. Sabihin na nating may mga taong nagla-like at naglalagay ng comment sa mga hinaing niyo, hindi niyo alam na sarili niyo ang sinisira niyo sa mata ng ibang tao.
Honestly, I find it cheap. Seeing such posts of people arguing are kinda off. I mean kasi naman, hindi naman kailangan ipagsigawan sa buong Facebook o Twitter ang problema mo sa isang tao. Lalabas lang na sinisiraan mo yung tao o kaya nagpapa-impress ka na inaaway ka or kinakalaban ka.
Ang awayan at bangayan ay hindi na dapat isinasa-publiko. Konting hiya naman mga kaibigan. Oo sige, hindi maiiwasan ang parinigan. Pero sana naman maingat sa pinipiling salita. Tandaan, ang pangit na mga salitang lumalabas sa bibig niyo, sumasalamin sa kung anong pagkatao meron kayo.
Sa post kong ito, masasabi niyo bang may kaaway ako? Siguro sasabihin ng mga makikitid ang utak diyan na meron. Pero ang totoo, nagawa ko ang post na ito dahil ang dami kong napapansing mga ganyang pangyayari. Nakakairita lang makabasa ng ganyan sa news feeds at timeline. At wala akong pakialam kung may awayan kayo. Concern lang ako sa iniisip ng iba tungkol sa inyo.
Magharap kayo ng kaaway mo. Mag-usap kayo. Kung di niyo kaya sa personal, edi text, o kaya chat. Basta ba kayong dalawa lang para private. Hindi kasi maganda tingnan yung naka public pa ang sagutan ninyo.
Yun lang.
No comments:
Post a Comment