Sunday, October 14, 2012

ADOBONG ALAGA NAMIN SA GARDEN


Dahil sa hindi naman ako mapili sa kakainin (lalo na pag walang nilutong ulam), kinakain ko na lang kung anong naiwan sa mesa. Yun bang natira nung agahan na pwede pa naman ulamin pag dating ng tanghalian. Natuto kasi ako na maging kuntento sa kung anong nakahain sa mesa kaya wala akong karapatan maging mapili. Maraming hindi kumakain kaya magpasalamat sa biyayang natatanggap.
Anyway, bago pa ko maglabas ng aking mga “words of wisdom”, itutuloy ko na ang aking kwento. LOL! Wala naman tong kwenta. HAHAHA! May masabi lang. 
Adobo. My all time favorite food. Adobong manok to be exact. Ayoko kasi ng baboy. HAHAHA! Hindi ako kumain ng breakfast kasi alam ko na hindi ako nakakatanggi sa kanin pag adobo ang ulam kaya tiniis ko na yung gutom ko. Akala ko usual na adobong manok yung madadatnan ko sa mesa. But noooo! Bukod sa mga natirang pagkain nung agahan (corned beef and poached egg), naka hain yung adobong alaga namin sa garden. HAHAHAHAHA!
Manok yun! Medyo awkward lang kainin kasi native yung chicken kaya medyo matigas yung laman na ewan. Hindi ko na ma-explain pa. LOL. Basta iba siya sa usual na chicken na nabibili sa palengke o kaya sa grocery. At dahil dun, parang naiba yung panlasa ko sa adobo. First time ko makatikim ng adobong native chicken. As in yung alaga pa ng mom ko sa garden. Nakakaloka! HAHA!
Ayun. Nagstick na lang ako sa corned beef. Pero naka dalawang maliit na piraso naman ako nung adobo. HAHAHAHA! Iba kasi itsura kaya parang oh-kay. Masarap naman pero kasi parang goma yung laman kaya di ko na-enjoy. HAHAHAHA!d
I still love adobo, no matter what. :)

No comments:

Post a Comment