Angeles, Pampanga (10.20.12) |
Dahil sa kumpleto na ang pictures na naka-upload sa Facebook, ganado na ako magkwento tungkol sa mga masasayang karanasan ko sa Pampanga kasama ang aking mga kaibigan. Para siguradong hindi ko malimutan lahat, mabuti pang ilagay ko na sa blog ko ang kwento.
Kahit na ilang araw na ang nakalipas simula nung umuwi ako galing Angeles, sariwa pa rin sa isip ko lahat ng nangyari. Oops! Teka! Lahat nga ba? LOL. HAHAHAHA! Basta ilalagay ko dito lahat. Lahat ng pangyayaring habang buhay nang magiging parte ng buhay ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over eh. As in iniisip ko pa rin lahat ng masasayang nangyari nung mga araw na iyon. Mga nakakalokang hanapan bago sumakay ng bus, hanggang sa tawanan, kulitan at banatan sa loob ng bus, at marami pang iba!
Halina't samahan niyo akong balikan ang masayang overnight trip namin sa Angeles, Pampanga.
October 20, 2012 (Saturday)
6am pa lang gising na ko dahil tinuloy ko ang pag-aayos ng gamit ko. Hinanap ko pa yung swim suit ko at naghanap pa ng pwedeng suotin kung sakaling magparty kami doon. Nakatanggap pa ako ng tawag na merong isang hindi makakasama dahil sa emergency kaya hinayaan ko na lang kahit na medyo nainis ako ng konti dahil last minute ang pagbackout. Ayokong ma-stress kaya hindi ko na inintindi. Basta ang mahalaga, matutuloy ako kahit ano pang mangyari.
9:00-9:30am ang call time namin sa SM North. Nakakatawa lang kasi ang labo ng usapan namin ng mga kasama ko. Basta sabi ko na lang nun, bahala na kung saan magkikita basta ang importante, bago may 2pm dapat nasa Pampanga na kami para makapagcheck-in. Ang SM North na meeting place ay nauwi sa Trinoma. Hahaha! Galing diba? Nakakatawa pa kasi hindi kami magkatagpo agad dahil pag hinahanap ko sila, ang sinasabi nila sa akin ay sa "main entrance" daw. Sa may "escalator". Kaya kami natagalan dahil iba ang alam kong main entrance at iba rin ang tinutukoy nila. Hindi nga ako na-stress dun sa isang nagbackout, na-stress naman ako sa kahahanap sa mga kasama ko.
Nung nakita ko sila sa tinutukoy nilang "main entrance", nagtawanan na lang kami at saka naglakad patungo sa sakayan. Dun nagsimula ang aming adventure. Naglalakad kami sa arawan para makahanap ng masasakyan. First time ko magcommute at pumunta ng Pampanga. Buti na lang may kasama kaming sanay pumunta ng Pampanga kaya alam niya kung anong dapat sakyan. Ang air-con bus na plano ay nauwi sa ordinary bus. Okay lang kasi naghahabol kami ng oras. 9:40am na siguro kami nakasakay at buti na lang hindi pa gaanong toxic sa kalsada kaya hindi namin ininda ang usok. Yun nga lang, habang nasa NLEX na kami, sari-saring amoy na yung naaamoy namin. HAHAHAHA! At nung nakita na namin ang SM Pampanga at Lakeshore, na-excite na ako kasi alam kong konti na lang ay nasa Dau na kami.
Mabilis lang ang byahe kaya mga 11:20am nandun na kami. Naalala ko agad yung kakilala kong nag-offer ng oras niya para samahan kami kaya nagtext ako sa kaniya na nandun ako. Dahil konting oras na lang at tanghalian na, kumain muna kami sa Mang Inasal. Tutal naman medyo maaga pa at hihintayin pa namin yung kakilala ko kaya tamang tambay muna doon.
(L-R): Miguel, Macy, Kim, Nikki (me) |
Dahil ang tagal dumating ni Rosswald, naisip ko na sa SM Clark na lang kami magkita dahil kung hihintayin pa namin siya sa Mabalacat, baka magmulta na kami sa Enclave dahil sa late check-in.
Nung una di namin madama na nasa Pampanga kami kasi parang Manila lang din ang itsura. Hinahanap ko kasi yung lugar kung saan maiiba ang tanawin. Kung hindi man maiba ang tanawin, gusto ko maka-experience ng "kakaiba". Ah basta! Mahirap na ipaliwanag. Basta gusto ko maiba naman.
Pag dating sa SM Clark, naghanapan na naman kami ni Rosswald. Hindi na naman kami nagkaintindihan. Iba yung alam niya na pinuntahan ko. Pero at least, nagkita kami. Yun ang mahalaga dun. HAHAHA! Dahil ayoko magmukhang dayuhan. LOL! Sabi ko sa mga kasama ko dapat hindi kami magmukhang dayuhan para iwas loko. Laking pasasalamat ko na lang talaga dahil nag-offer ng time si Rosswald para sa amin. Hihihi! :)
Saktong 2pm nung dumating kami sa Enclave. Kung hindi man sakto, late siguro kami ng 10-15 minutes. Good thing number of hours pala ang binibilang nila para pagmultahin ang guests. So pagkabigay sa amin ng house number, tamang chill muna sa loob ng bahay.
Executive house, Enclave |
Pahinga muna. Kanya-kanyang pili ng kwarto. LOL! Hahaha! As if namang maraming kwarto. Hahaha! Basta ako sa master's bedroom, tapos ang usapan. HAHAHAHA! Arte lang. LOL. Gusto ko may dressing room eh. Hahaha!
Habang dinadama nila Paolo, Macy, Kim at Miguel ang flat screen TV sa sala, nandun kami ni Rosswald sa kwarto at tamang nagca-catch up lang ng balita galing dito sa QC. Schoolmate ko si Rosswald nung high school ako. Higher batch nga lang ako at hindi kami close. Seryoso! Hindi kami close kaya laking pasasalamat ko sa kaniya dahil siya pa mismo yung naglaan ng oras para i-tour kami ng mga kasama ko. Buti na lang taga dun siya at kabisado na niya ang lugar dun kaya di na kami nahirapan. Kami na mismo nagplano kung anong mga masayang puntahan at kung saan masarap kumain. Basta nagtulungan kami para hindi masayang yung oras namin.
Dahil sa Korean food ang craving nila Macy at Kim, at tamang-tama rin na puro Korean restaurant ang nasa Friendship, nagpasya kaming lahat na dun na lang kumain. Considerate din naman ako sa kung anong gusto ng mga kasama ko kahit na ako ang mastermind ng pagpunta namin doon.
Gusto ko rin subukan yung kanilang local Starbucks na Coffee Academy kaya sabi ko kailangan ma-try ko yun bago ako umuwi. At siyempre, gusto ko rin masubukan magsimba doon at pumarty. Basta lahat yun nilatag ko kay Rosswald. HAHAHAHA! Kasi siya na bahala sa amin.
Bago ang lahat, swimming muna! Yan naman talaga ang dahilan kung bakit sa Enclave ko napiling pumunta eh. Bukod sa may discount ako para sa overnight stay, may swimming pa. :)
Bago tuluyang magswimming si Rosswald, siya muna ang naging photographer. HAHAHA! |
Mas malamig yung tubig na galing doon sa fountain. SARAP! :) |
Instant swimming lessons ni Macy. |
Habulan sa pool. Sinong taya?! |
Ang mali ko talaga, hindi ko agad nasabihan si Rosswald. As in umpisa pa lang, late na ko nagtext sa kaniya na nandun na ko. At ayan, di ko pa siya nasabihan na magdala ng pang-swimming. Pero dahil nga sa gusto, maraming paraan. :)
No. 1 Korean Restaurant in Angeles City |
Puro gulay ang kinain namin. Buti na lang yung mga kasama ko marunong kumain ng gulay. HAHAHA! May mga kaibigan kasi akong hindi kumakain ng gulay so buti na lang yung mga napili kong makasama ay yung mga marunong kumain ng gulay.
Sa totoo lang, hindi ako masyado mahilig sa Korean food. Ewan ko. Pero gusto ko ang Chinese at Japanese food. Korean lang talaga yung hindi ko masyadong trip. Weird kasi. Pero masarap! Grabe anghang na lang nung iba pero masasabi ko na masarap pala ang pagkain ng mga Koreano. Kaya pala maganda ang mga kutis nila kasi puro gulay ang kinakain. Hahaha! Yun nga lang, dahil sa anghang, sa pawis nila lumalabas. LOL! Whatever.
Halata naman kay Macy na solve na solve siya sa kinain namin hindi ba? LOL! :D |
Paghahaluin pala yung mga appetizer sa isang dahon ng lettuce bago mo kainin. Sorry na sa first time. HAHAHA! |
A Korean way. First time ko kasing ma-experience yung ganyan. Damang-dama ko ang pagiging Koreana. LOL! HAHAHA! |
Tapos na kaming lahat pwera na lang kay Miguel. |
Bago kami umalis, nagpa-smokey eyes talaga ako para hindi ako mapagkamalang intsik o koreana. Ilang beses na kasi akong napagkakamalan kaya gusto ko lumaki naman ang mata ko kahit papano. LOL!
Effective ba ang smokey eyes ko? Hmmm. |
Pagkatapos kumain ng hapunan, pumunta muna kami sa shop nila Rosswald para makapagpalit siya ng damit at para sunduin yung pinsan niya. Nakilala din namin yung mommy niya. After sa kanila, deretso na kami sa Hacienda. Oras na para magsaya!
Tulad din dito sa QC, hindi pa mararamdaman ang saya sa bar pag maaga pa. Kaya ang ginawa namin, nagpatatak muna kami at nag Central muna bago sumayaw.
(L-R): Macy, Nikki (me), Rosswald, Kim, Frew and Miguel |
Ayun. HAHAHA! Tapos Hacienda na!
October 21, 2012
Maagang nagising dahil saktong 12nn kailangan na mag-out. At sari-saring kwento ang narinig ko mula sa mga kasama ko nung nagising ako. Mga kwentong nagpatawa sa akin ng husto. HAHAHAHA! Mas maganda pag sila na mismo ang magkwento. Kasi hindi ko alam kung papano ko ikukwento eh.
10:30am nung dineliver yung libre naming agahan. Pagkatapos kumain, kanya-kanya na kaming nag-ayos ng mga gamit para bumalik na sa Manila. Grabe! Ang bilis ng oras!
Pero siyempre hindi ako uuwi ng walang dalang kahit simpleng pasalubong. Dahil sa hindi na kami masasamahan ni Rosswald sa Susie's, yung pinsan niyang si Frew yung pinaki-usapan niyang sumama muna sa amin.
Ay grabe! Sobrang thankful ako sa magpinsang yun. Kundi dahil sa kanila, di ko alam kung mag-eenjoy ako. Ang masaklap lang, yung gusto kong i-try sa Coffee Academy ay hindi ko nasubukan. Wala na kasing oras. At hindi rin ako nakapagsimba doon. Sayang! At eto pa, naiwan ko pa sa Enclave yung shampoo at conditioner ko. Talaga naman! Pero ayos na yun lang ang naiwan ko kesa naman sa yung sapatos ko pa ang maiwan. HAHAHAHAHA!
Si Miguel naman kasi, naiwan ang sapatos sa computer shop nila Rosswald. Sa lahat ng pwedeng iwan, sapatos pa. HAHAHAHA! At kung kailan nasa terminal na kami, saka ko lang nabasa yung text ni Rosswald sa akin na may naiwan nga si Miguel.
Oh well. Magastos kung babalikan pa namin at nakakapagod! Siguro yun ang magiging dahilan para bumalik pa kami sa Pampanga. Yun ay para kunin ang sapatos ni Miguel at para sa Coffee Acad. >.<
Pag balik ko sa bahay, natulog ako dahil sa pagod at puyat. Nung nagising ako, nag-ayos na ko ulit para naman sa despedida.
Cool outing! I really love the province that;s why we are really considering this house and lot for sale in pampanga
ReplyDelete