Tuesday, October 23, 2012

PAMPANGA ESCAPADE

Angeles, Pampanga (10.20.12)
Dahil sa kumpleto na ang pictures na naka-upload sa Facebook, ganado na ako magkwento tungkol sa mga masasayang karanasan ko sa Pampanga kasama ang aking mga kaibigan. Para siguradong hindi ko malimutan lahat, mabuti pang ilagay ko na sa blog ko ang kwento. 

Kahit na ilang araw na ang nakalipas simula nung umuwi ako galing Angeles, sariwa pa rin sa isip ko lahat ng nangyari. Oops! Teka! Lahat nga ba? LOL. HAHAHAHA! Basta ilalagay ko dito lahat. Lahat ng pangyayaring habang buhay nang magiging parte ng buhay ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over eh. As in iniisip ko pa rin lahat ng masasayang nangyari nung mga araw na iyon. Mga nakakalokang hanapan bago sumakay ng bus, hanggang sa tawanan, kulitan at banatan sa loob ng bus, at marami pang iba! 

Halina't samahan niyo akong balikan ang masayang overnight trip namin sa Angeles, Pampanga.

October 20, 2012 (Saturday)

6am pa lang gising na ko dahil tinuloy ko ang pag-aayos ng gamit ko. Hinanap ko pa yung swim suit ko at naghanap pa ng pwedeng suotin kung sakaling magparty kami doon. Nakatanggap pa ako ng tawag na merong isang hindi makakasama dahil sa emergency kaya hinayaan ko na lang kahit na medyo nainis ako ng konti dahil last minute ang pagbackout. Ayokong ma-stress kaya hindi ko na inintindi. Basta ang mahalaga, matutuloy ako kahit ano pang mangyari.

9:00-9:30am ang call time namin sa SM North. Nakakatawa lang kasi ang labo ng usapan namin ng mga kasama ko. Basta sabi ko na lang nun, bahala na kung saan magkikita basta ang importante, bago may 2pm dapat nasa Pampanga na kami para makapagcheck-in. Ang SM North na meeting place ay nauwi sa Trinoma. Hahaha! Galing diba? Nakakatawa pa kasi hindi kami magkatagpo agad dahil pag hinahanap ko sila, ang sinasabi nila sa akin ay sa "main entrance" daw. Sa may "escalator". Kaya kami natagalan dahil iba ang alam kong main entrance at iba rin ang tinutukoy nila. Hindi nga ako na-stress dun sa isang nagbackout, na-stress naman ako sa kahahanap sa mga kasama ko.

Nung nakita ko sila sa tinutukoy nilang "main entrance", nagtawanan na lang kami at saka naglakad patungo sa sakayan. Dun nagsimula ang aming adventure. Naglalakad kami sa arawan para makahanap ng masasakyan. First time ko magcommute at pumunta ng Pampanga. Buti na lang may kasama kaming sanay pumunta ng Pampanga kaya alam niya kung anong dapat sakyan. Ang air-con bus na plano ay nauwi sa ordinary bus. Okay lang kasi naghahabol kami ng oras. 9:40am na siguro kami nakasakay at buti na lang hindi pa gaanong toxic sa kalsada kaya hindi namin ininda ang usok.  Yun nga lang, habang nasa NLEX na kami, sari-saring amoy na yung naaamoy namin. HAHAHAHA! At nung nakita na namin ang SM Pampanga at Lakeshore, na-excite na ako kasi alam kong konti na lang ay nasa Dau na kami.

Mabilis lang ang byahe kaya mga 11:20am nandun na kami. Naalala ko agad yung kakilala kong nag-offer ng oras niya para samahan kami kaya nagtext ako sa kaniya na nandun ako. Dahil konting oras na lang at tanghalian na, kumain muna kami sa Mang Inasal. Tutal naman medyo maaga pa at hihintayin pa namin yung kakilala ko kaya tamang tambay muna doon.

(L-R): Miguel, Macy, Kim, Nikki (me)
Dahil ang tagal dumating ni Rosswald, naisip ko na sa SM Clark na lang kami magkita dahil kung hihintayin pa namin siya sa Mabalacat, baka magmulta na kami sa Enclave dahil sa late check-in. 

Nung una di namin madama na nasa Pampanga kami kasi parang Manila lang din ang itsura. Hinahanap ko kasi yung lugar kung saan maiiba ang tanawin. Kung hindi man maiba ang tanawin, gusto ko maka-experience ng "kakaiba". Ah basta! Mahirap na ipaliwanag. Basta gusto ko maiba naman. 

Pag dating sa SM Clark, naghanapan na naman kami ni Rosswald. Hindi na naman kami nagkaintindihan. Iba yung alam niya na pinuntahan ko. Pero at least, nagkita kami. Yun ang mahalaga dun. HAHAHA! Dahil ayoko magmukhang dayuhan. LOL! Sabi ko sa mga kasama ko dapat hindi kami magmukhang dayuhan para iwas loko. Laking pasasalamat ko na lang talaga dahil nag-offer ng time si Rosswald para sa amin. Hihihi! :)

Saktong 2pm nung dumating kami sa Enclave. Kung hindi man sakto, late siguro kami ng 10-15 minutes. Good thing number of hours pala ang binibilang nila para pagmultahin ang guests. So pagkabigay sa amin ng house number, tamang chill muna sa loob ng bahay.

Executive house, Enclave
Pahinga muna. Kanya-kanyang pili ng kwarto. LOL! Hahaha! As if namang maraming kwarto. Hahaha! Basta ako sa master's bedroom, tapos ang usapan. HAHAHAHA! Arte lang. LOL. Gusto ko may dressing room eh. Hahaha! 

Habang dinadama nila Paolo, Macy, Kim at Miguel ang flat screen TV sa sala, nandun kami ni Rosswald sa kwarto at tamang nagca-catch up lang ng balita galing dito sa QC. Schoolmate ko si Rosswald nung high school ako. Higher batch nga lang ako at hindi kami close. Seryoso! Hindi kami close kaya laking pasasalamat ko sa kaniya dahil siya pa mismo yung naglaan ng oras para i-tour kami ng mga kasama ko. Buti na lang taga dun siya at kabisado na niya ang lugar dun kaya di na kami nahirapan. Kami na mismo nagplano kung anong mga masayang puntahan at kung saan masarap kumain. Basta nagtulungan kami para hindi masayang yung oras namin.

Dahil sa Korean food ang craving nila Macy at Kim, at tamang-tama rin na puro Korean restaurant ang nasa Friendship, nagpasya kaming lahat na dun na lang kumain. Considerate din naman ako sa kung anong gusto ng mga kasama ko kahit na ako ang mastermind ng pagpunta namin doon. 

Gusto ko rin subukan yung kanilang local Starbucks na Coffee Academy kaya sabi ko kailangan ma-try ko yun bago ako umuwi. At siyempre, gusto ko rin masubukan magsimba doon at pumarty. Basta lahat yun nilatag ko kay Rosswald. HAHAHAHA! Kasi siya na bahala sa amin. 

Bago ang lahat, swimming muna! Yan naman talaga ang dahilan kung bakit sa Enclave ko napiling pumunta eh. Bukod sa may discount ako para sa overnight stay, may swimming pa. :)

Bago tuluyang magswimming si Rosswald, siya muna ang naging photographer. HAHAHA!

Mas malamig yung tubig na galing doon sa fountain. SARAP! :)

Instant swimming lessons ni Macy. 

Habulan sa pool. Sinong taya?!
Ang mali ko talaga, hindi ko agad nasabihan si Rosswald. As in umpisa pa lang, late na ko nagtext sa kaniya na nandun na ko. At ayan, di ko pa siya nasabihan na magdala ng pang-swimming. Pero dahil nga sa gusto, maraming paraan. :)

No. 1 Korean Restaurant in Angeles City
Puro gulay ang kinain namin. Buti na lang yung mga kasama ko marunong kumain ng gulay. HAHAHA! May mga kaibigan kasi akong hindi kumakain ng gulay so buti na lang yung mga napili kong makasama ay yung mga marunong kumain ng gulay. 

Sa totoo lang, hindi ako masyado mahilig sa Korean food. Ewan ko. Pero gusto ko ang Chinese at Japanese food. Korean lang talaga yung hindi ko masyadong trip. Weird kasi. Pero masarap! Grabe anghang na lang nung iba pero masasabi ko na masarap pala ang pagkain ng mga Koreano. Kaya pala maganda ang mga kutis nila kasi puro gulay ang kinakain. Hahaha! Yun nga lang, dahil sa anghang, sa pawis nila lumalabas. LOL! Whatever.

Halata naman kay Macy na solve na solve siya sa kinain namin hindi ba? LOL! :D

Paghahaluin pala yung mga appetizer sa isang dahon ng lettuce bago mo kainin. Sorry na sa first time. HAHAHA!

A Korean way. First time ko kasing ma-experience yung ganyan. Damang-dama ko ang pagiging Koreana. LOL! HAHAHA!

Tapos na kaming lahat pwera na lang kay Miguel. 
Bago kami umalis, nagpa-smokey eyes talaga ako para hindi ako mapagkamalang intsik o koreana. Ilang beses na kasi akong napagkakamalan kaya gusto ko lumaki naman ang mata ko kahit papano. LOL!

Effective ba ang smokey eyes ko? Hmmm.
Pagkatapos kumain ng hapunan, pumunta muna kami sa shop nila Rosswald para makapagpalit siya ng damit at para sunduin yung pinsan niya. Nakilala din namin yung mommy niya. After sa kanila, deretso na kami sa Hacienda. Oras na para magsaya!

Tulad din dito sa QC, hindi pa mararamdaman ang saya sa bar pag maaga pa. Kaya ang ginawa namin, nagpatatak muna kami at nag Central muna bago sumayaw. 
(L-R): Macy, Nikki (me), Rosswald, Kim, Frew and Miguel
Ayun. HAHAHA! Tapos Hacienda na! 

October 21, 2012

Maagang nagising dahil saktong 12nn kailangan na mag-out. At sari-saring kwento ang narinig ko mula sa mga kasama ko nung nagising ako. Mga kwentong nagpatawa sa akin ng husto. HAHAHAHA! Mas maganda pag sila na mismo ang magkwento. Kasi hindi ko alam kung papano ko ikukwento eh.

10:30am nung dineliver yung libre naming agahan. Pagkatapos kumain, kanya-kanya na kaming nag-ayos ng mga gamit para bumalik na sa Manila. Grabe! Ang bilis ng oras!

Pero siyempre hindi ako uuwi ng walang dalang kahit simpleng pasalubong. Dahil sa hindi na kami masasamahan ni Rosswald sa Susie's, yung pinsan niyang si Frew yung pinaki-usapan niyang sumama muna sa amin. 

Ay grabe! Sobrang thankful ako sa magpinsang yun. Kundi dahil sa kanila, di ko alam kung mag-eenjoy ako. Ang masaklap lang, yung gusto kong i-try sa Coffee Academy ay hindi ko nasubukan. Wala na kasing oras. At hindi rin ako nakapagsimba doon. Sayang! At eto pa, naiwan ko pa sa Enclave yung shampoo at conditioner ko. Talaga naman! Pero ayos na yun lang ang naiwan ko kesa naman sa yung sapatos ko pa ang maiwan. HAHAHAHAHA!

Si Miguel naman kasi, naiwan ang sapatos sa computer shop nila Rosswald. Sa lahat ng pwedeng iwan, sapatos pa. HAHAHAHA! At kung kailan nasa terminal na kami, saka ko lang nabasa yung text ni Rosswald sa akin na may naiwan nga si Miguel. 

Oh well. Magastos kung babalikan pa namin at nakakapagod! Siguro yun ang magiging dahilan para bumalik pa kami sa Pampanga. Yun ay para kunin ang sapatos ni Miguel at para sa Coffee Acad. >.<

Pag balik ko sa bahay, natulog ako dahil sa pagod at puyat. Nung nagising ako, nag-ayos na ko ulit para naman sa despedida.

Wednesday, October 17, 2012

HINTAYIN ANG SUSUNOD NA KABANATA


Alam niyo yung feeling na hindi mo aakalaing meron ka pang kaibigan na patuloy na naniniwala sa relasyon niyo ng ex mo? Yun bang kahit na ilang buwan na kayong wala, umaasa pa rin siya na may isang araw na magkakabalikan kayo.

Nakakatawa lang kaya nilagay ko yung nakuha kong print screen ng pag-uusap namin kanina nung kaibigan ko. Kung mapapansin niyo, inalis ko ang thumbnail picture nung kaibigan ko at tinakpan ko ang pangalan niya at nung ex ko. LOL. Kailangan panatiliing pribado ang kanilang pagkatao. HAHAHA!

Hindi ko maintindihan kung bakit napa-blog ako ng wala sa oras gawa nito. Napa-isip lang siguro ako kung bakit hanggang ngayon, ganun pa rin yung suporta ng kaibigan ko para sa amin ng ex ko. Halata naman sa pag-uusap namin na umaasa pa siya.

Bago pa man maging kami ng ex ko, isa siya sa mga nakasaksi kung papaano ko pinaghandaan yung araw na pagsagot ko ng "oo". Isa rin 'tong kaibigan kong 'to na tumulong sa akin pumili ng magagandang litrato para i-post sa wall ng ex ko. Hanggang sa isa siya sa naging kasabwat ng ex ko para panatilihin akong gising para lang masalubong ang first monthsary namin.

Nagsisimula pa lang kami ng ex ko hanggang sa tuluyan ng natapos ang relasyon namin, itong kaibigan kong 'to ay nandiyan pa rin. Patuloy na sumusuporta sa amin at naniniwala na darating ang pagkakataong magkakabalikan kami. Mas umaasa pa siya na sana magkabalikan kami ng ex ko. Kumbaga sa loveteam, siya ang number one fan. Grabe ah! Mahigit apat na buwan na kaming wala nung ex ko. Pero siya, sige pa rin sa tiwalang magkakabalikan kami. Nabanggit niya kasi sa akin na nakapag-usap daw sila ng ex ko at napag-usapan nga nila ang issue ng pakikipagbalikan. Hindi ko alam kung kailan yun pero sabi ko sa kaniya na hindi na ko umaasa. Yun lang.

Mahirap kasi umasa. Nasaktan na ko at ayoko na mangyari yun. Sabihin na nating gusto nga makipagbalikan ni ex. Ang sa akin naman, papaano ako makikipagbalikan sa taong hindi consistent? Yun bang hindi mo alam kung pursigido ba talagang bumalik ka sa kanya at ituloy yung nasimulan niyo. Ewan. Hindi ko alam. Basta magkaibigan kami ng ex ko at masaya naman kami sa kung ano kami ngayon. Yun lang okay na. Kung hanggang dito na lang kami, hindi na dapat ipilit. Kasi, kung kami talaga para sa isa't isa, magiging kami rin.

Mabuti yung ganito na hindi ako umaasa sa kaniya. Malay natin magising na lang siya isang araw at maisip na hindi nga ako yung babae para sa kaniya. Ay teka! Naisip na pala niya yun. Kaya nga pala nagbreak eh. LOL. Ewan! Bahala na. Kung mapatunayan niya na mahal pa niya ko at sisiguruhin na hindi na mauulit yung mga nakaraang problema, bubuksan ko ulit ang puso ko para sa kaniya. Sigurado yan! Pero kung hindi, magiging masaya pa rin ako sa kung anong estado namin ngayon.

Kaya para sa number one fan namin, HINTAYIN ANG SUSUNOD NA KABANATA. LOL. HAHAHAHA!

Tuesday, October 16, 2012

BOLA-CHI SA TABLE #44


Sa wakas! Natapos na ang exams at nakita ko na ang mga grades ko. Mga requirements na lang ang dapat atupagin at siyempre, ang walang kamatayang thesis. Kaka-defend lang tapos gusto agad ng final defense. So ano ako, wonder woman na kayang mag collect ng data sa loob ng dalawang linggo?! Kaya siguro kung walang pinagkaka-abalahang duty, case presentation, seminar at kung ano-ano pang gawain sa school. Sa bilis ng oras, di ko kayang hatiin ang sarili ko para isingit pa ang thesis ko. Alam ko namang dun nakasalalay ang diploma ko pero hindi naman pwedeng isubsob ko ng sobra ang sarili ko dun. Nakaka-stress kaya!
Bukod sa kaliwa’t kanang iniisip sa eskwela, nakatuon din ang isipan ko sa problema sa bahay. Siguro nga unang beses ko lang maramdaman ang ganitong klaseng problema kaya apektado ako masyado. Kung ano man yun, akin na lang muna. Although alam kong may mga tao na naglaan ng konting oras nila para makinig sa akin (maraming salamat sa inyo). 
Dahil sa bigat ng nararamdaman ko, hindi ko napigilan ang luha ko nung kausap ko yung prof ko. Para ko na kasi siyang nanay at anak na rin ang turing niya sa amin. Hindi ko akalain na iiyak ako kanina bago magsimula ang exam. At akala ko ikakabagsak ng grade ko ang mga problemang nararanasan ko ngayon. Sa totoo lang, tinamad na ko mag-aral. At hindi ko talaga binalikan ang mga topics na na-discuss namin. Pero sadyang mabait si Lord (sadyang above average ang IQ level ko. LOL!) at nakuha sa “stocked knowledge” ang final exam ko. YAY! :) Kahit dun man lang napalitan ng ngiti yung malungkot at masungit kong mukha. HAHA!
At talagang nagpapasalamat ako dahil may mga taong nagpapasaya sa akin. Pagkatapos ng exam, kumain kami sa <insert food chain here> at nagtawanan. Dito na rin nabuo ang “bola-chi sa table #44”. HAHAHA! 
*Calling Kim and Macy! Salamat sa pagpapatawa sa akin. :)*
Kasi naman. Nasa table #46 kami at yung dalawang lalaki sa table #44 walang tigil ng tingin. At may pa-ngiti ngiti pang nalalaman. Alam kong sa akin ang “Ngiti tayo kaibigan” pero nakaka-ilang yung ganun. LOL. HAHAHA! 
Habang nasa CR at nagpapaganda si Kim, seryoso kaming nag-uusap ni Macy tungkol sa hindi pagpayag ng mga magulang niya umalis. 
AKO: Baka naman kulang lang sa bolachi ang mama mo?
MACY: Hindi ko nga ma-bolachi eh. 
Bigla na lang akong natawa nung sumagot siya sa tanong ko. Seryoso kasi ako tapos hindi ko inaasahan na sasabihin din niya yung “bolachi”. HAHAHA! 
Well anyway, kahit sa simpleng usapang ganun medyo gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Salamat talaga! :)

Sunday, October 14, 2012

MAGHARAP KAYO!


Mahirap bang alamin muna ang buong storya bago magreact? Yan ang hirap sa mga tao ngayon eh. One-sided masyado. Makarinig lang ng kwento sa isa yun agad ang paniniwalaan. Gaano ka kasigurado na reliable ang source mo? Pano kung kasinungalingan lang mga sinasabi niyan at ikaw naman todo paniwala? Tapos dahil sa nagpa-apekto ka, kung ano-anong post ang magsusulputan sa mga status message mo. 
Guys, kung may problema kayo sa tao, hindi niyo kailangan magparinig ng magparinig sa mga social networking sites. Sabihin na nating may mga taong nagla-like at naglalagay ng comment sa mga hinaing niyo, hindi niyo alam na sarili niyo ang sinisira niyo sa mata ng ibang tao. 
Honestly, I find it cheap. Seeing such posts of people arguing are kinda off. I mean kasi naman, hindi naman kailangan ipagsigawan sa buong Facebook o Twitter ang problema mo sa isang tao. Lalabas lang na sinisiraan mo yung tao o kaya nagpapa-impress ka na inaaway ka or kinakalaban ka. 
Ang awayan at bangayan ay hindi na dapat isinasa-publiko. Konting hiya naman mga kaibigan. Oo sige, hindi maiiwasan ang parinigan. Pero sana naman maingat sa pinipiling salita. Tandaan, ang pangit na mga salitang lumalabas sa bibig niyo, sumasalamin sa kung anong pagkatao meron kayo. 
Sa post kong ito, masasabi niyo bang may kaaway ako? Siguro sasabihin ng mga makikitid ang utak diyan na meron. Pero ang totoo, nagawa ko ang post na ito dahil ang dami kong napapansing mga ganyang pangyayari. Nakakairita lang makabasa ng ganyan sa news feeds at timeline. At wala akong pakialam kung may awayan kayo. Concern lang ako sa iniisip ng iba tungkol sa inyo. 
Magharap kayo ng kaaway mo. Mag-usap kayo. Kung di niyo kaya sa personal, edi text, o kaya chat. Basta ba kayong dalawa lang para private. Hindi kasi maganda tingnan yung naka public pa ang sagutan ninyo. 
Yun lang.

ADOBONG ALAGA NAMIN SA GARDEN


Dahil sa hindi naman ako mapili sa kakainin (lalo na pag walang nilutong ulam), kinakain ko na lang kung anong naiwan sa mesa. Yun bang natira nung agahan na pwede pa naman ulamin pag dating ng tanghalian. Natuto kasi ako na maging kuntento sa kung anong nakahain sa mesa kaya wala akong karapatan maging mapili. Maraming hindi kumakain kaya magpasalamat sa biyayang natatanggap.
Anyway, bago pa ko maglabas ng aking mga “words of wisdom”, itutuloy ko na ang aking kwento. LOL! Wala naman tong kwenta. HAHAHA! May masabi lang. 
Adobo. My all time favorite food. Adobong manok to be exact. Ayoko kasi ng baboy. HAHAHA! Hindi ako kumain ng breakfast kasi alam ko na hindi ako nakakatanggi sa kanin pag adobo ang ulam kaya tiniis ko na yung gutom ko. Akala ko usual na adobong manok yung madadatnan ko sa mesa. But noooo! Bukod sa mga natirang pagkain nung agahan (corned beef and poached egg), naka hain yung adobong alaga namin sa garden. HAHAHAHAHA!
Manok yun! Medyo awkward lang kainin kasi native yung chicken kaya medyo matigas yung laman na ewan. Hindi ko na ma-explain pa. LOL. Basta iba siya sa usual na chicken na nabibili sa palengke o kaya sa grocery. At dahil dun, parang naiba yung panlasa ko sa adobo. First time ko makatikim ng adobong native chicken. As in yung alaga pa ng mom ko sa garden. Nakakaloka! HAHA!
Ayun. Nagstick na lang ako sa corned beef. Pero naka dalawang maliit na piraso naman ako nung adobo. HAHAHAHA! Iba kasi itsura kaya parang oh-kay. Masarap naman pero kasi parang goma yung laman kaya di ko na-enjoy. HAHAHAHA!d
I still love adobo, no matter what. :)

Thursday, October 11, 2012

KUNG PWEDE LANG


Sa dami ng problemang dumarating, hindi mo alam kung papaano mo haharapin. Minsan hindi mo na alam kung tama pa ba yung mga iniisip mong paraan para lumusot sa problema. Wala eh. Darating ka sa puntong gusto mo na lang talikuran lahat pero hindi mo naman alam kung sa pagtalikod mo, may naghihintay na ginhawa. Minsan kasi akala natin tayo na ang may pinaka mabigat na problema. Hindi na natin naiisip na may iba pang taong mas malaki ang dagok sa buhay. Sabi nga nila, bago mo unahin ang iba, unahin mo muna ang sarili mo. Ang dami mong iniisip, hindi mo na alam kung kailan ka lulubayan ng mga gumugulo sa isip mo. Sa sobrang dami, hindi mo alam kung anong uunahin mo. Di mo na nga alam kung papano mo tutulungan ang sarili mo kahit na napakarami mong kaibigang malalapitan.
Hindi rin naman sapat na may malalapitan ka. Nakakahiya din naman kasing lumapit pag may problema ka. Hindi mo alam na baka yung taong lalapitan mo may problema rin. Kapal naman ng mukha mo kung hindi mo maiisip na baka nakakasagabal ka sa taong gusto rin makalaya sa suliraning hinaharap.
Hay buhay! Walang kulay kung walang problema. Sabi nga ng mga matatanda, hindi tayo bibigyan ni God ng problemang hindi naman natin kaya lampasan. Pagsubok lang para magpatatag sa pagkatao mo. Kanya-kanyang diskarte na lang kung paano makakalabas.
Sana ang problema parang araw lang. Kumbaga pag natapos ang 24 hours, tapos na rin sana ang problema. Hindi na dapat problemahin pa bukas yung naging problema ngayon. Sana nga ganun lang kadali. Sana ganun na lang ang lahat. Pero hindi eh. Minsan kahit na gusto nating itaboy ang problema, nang-aasar pa at gusto pang tumambay sa utak mo. Walang duda! Maraming tao ang nasa mental dahil sa ganyan. Mga taong hindi nakalaya sa problema. Ang problema nilang hindi nalutas, nadagdagan pa ng mas malaking problema.
Kung pwede lang takasan lahat para lang maging masaya matagal ko nang ginawa. Pero hindi eh. Hindi ako makasarili para lang unahin lahat ng gusto ko. Kung matatawag man akong makasarili, yun siguro yung pagiging selfish ko pag dating sa problema. Hay! Ayoko lang kasi mamroblema ang ibang tao dahil lang sa problema ko. Ayoko maging dahilan ng karagdagang stress nila sa buhay. Basta ako, sapat na sa akin ang may ballpen at papel para isulat lahat ng nararamdaman ko. Nagpapasalamat din ako dahil may blog akong handang sumalo ng lahat ng tina-type ko. 
Kung pwede lang naman tumakas… Pero alam kong hindi.

TIPO KONG LALAKI


Have you ever heard of this song? Wala lang. Kahapon kasi nung nasa fx ako, yan yung kanta na tumugtog sa radyo. Pinakinggan ko lang kasi first time ko siya marinig. Kung naririnig niyo yung kasabihang “Maginoo pero medyo bastos”, siguro sa kantang yun nanggaling.
Para maka-relate kayo sa sinasabi kong kanta, click this
Kahit hindi gwapo. Kahit na di matalino. Basta’t siya’y may puso, siya pa rin ay gugustuhin ko.
BASTA MAY PUSO, GUGUSTUHIN KOIto namantalaga ang mahalaga para sa akin eh. Seryoso, tapat, at totoo… mga bagay na dapat hindi mawawala sa lalaking pipiliin ko makasama. 
Kung pinapakinggan niyo na yung kanta, pansinin niyong mabuti yung lyrics. Lahat yun tungkol sa lalaking gusto nung singer. Title pa lang obvious na diba? HAHAHA! Pero hindi ibig sabihin na may standards yung babae sa pagpili ng lalaki. 
Bahala na nga kayo mag-interpret. Hindi ko na kasi alam kung pano ko pa ipapaliwanag sa inyo eh. HAHAHA! May ma-ipost lang. LOL.
Para maiba na lang, ito ang mga tipo kong lalaki:
  • May sense of humor. Mababaw kasi akong tao at nakakawala ng stress ang pagtawa kaya gusto ko ng lalaking makakapagpatawa sa akin.
  • Thoughtful. A serious kind of being sweet. Gusto ko lang na may nagreremind. Ganun. Gusto ko yung inaalala ako. Kasi ako yung babae na makakalimutin pero para sa taong mahal ko, hindi ko nakakalimutan mag remind. 
  • God fearing. I want God to be the center of my future relationship as well as my future family. Di naman kailangan maging laman ng simbahan. Pero kasi factor na siguro na active akong church choir member kaya gusto ko strong din yung pananampalataya nung lalaking pipiliin ko.
  • Understanding. I have mood swings. And most of the time masungit ako. So kung hindi ako maiintindihan, wag na lang. 
  • Sweet. Ako kasi yung babaeng kulang ata sa ka-sweetan sa katawan. Ewan ko ah. Yun bang parang hindi naglalambing. Well depende naman kasi yun. Sweet din naman ako sa paraang alam ko. HAHA!
  • Loyal. Pag sinabi mong tayo na, ako lang ang ka-relasyon mo. WALA NANG IBA PA! Dahil pag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang talaga. Tapos ang usapan! Haha!
  • Adventurous/traveler. This is me and I want my guy to travel with me and explore things. Way rin ‘to para magkakilala pa kami ng lubos. Diba?
  • Hindi torpe. Manhid kasi ako minsan. Hindi ko minsan nararamdaman kung may pahiwatig ang isang lalaki. Kaya gusto ko straight to the point. Straight pero hindi tunog manloloko. Basta ganun.
Ayan. Yan ang mga tipo kong lalaki. Walang nakalagay na physical attributes noh? Eh wala talaga. Di ako tumitingin sa panlabas na anyo ng tao eh. Kalooban ang gusto ko. :)

SELECT DESTINATION


I’ll be 21 years old in 8 weeks. I still have 2 months to think of something new to experience. I want adventure! Just want to stay away from the usual get-togethers, whole day and night parties with selected friends, eat out and shop with my family. I really want something new. I want to travel alone.
Yes. Alone. But I know it’s impossible. Impossible because I’m sure mom won’t allow me to. But! I want this. I want to try this. It’ll be a lifetime experience for me. I know another year will be added but hey! I’m still young and I wanna step out of my comfort zone. 
I’ve been searching for interesting places here in the Philippines. Well, I’ll pay for my own trip so out of town adventure is out of my plan. HAHAHA! Maybe I’ll ask that as a graduation gift or if not, after passing the board exam. I’m tired of going to nearby places like Bulacan, Laguna, Batangas, Cavite, and Tagaytay so I wanna go farther! 
Anyway, going back to my plan, I know someone from Cagayan De Oro and I’ve been asking her good places to visit and activities to try. And that’s my number one destination in mind. I’ve searched for the flight fee but it’s quite expensive. So, next.
Cebu. I know someone living there too and upon searching for available flights for my desired dates and number of days, I found an airline that offers cheap fare. I already computed my roundtrip (plane) fare and it fits my budget. CHECK! :) Cebu is now on my list.
I know how far Cebu is and it’s a miracle if mom will allow me. All I want is nature and adventure for my birthday. I hope the weather by then will be favorable for me to enjoy. Maybe I’ll treat someone to be with me. Thinking of my bestfriends. Anyway…
Moving on, I found a good deal. Cheaper, still near but yet that far. (?) HAHAHA! If mom won’t allow me to go to South, then I’ll go to North. Hello, Zambales! Let’s go camping in Anawangin! HAHAHAHA! I’m serious! I’ll buy my ticket without them knowing. So this will be our little secret! HIHIHI! ;)
So far, I like Zambales. I still have 3 weeks to decide because I need to confirm everything to get my ticket and ask for companion. 
Hoping for a fun and exciting 21st birthday celebration.

TEXT MESSAGE


image
 One text message received.
Kayo ba yung tipo ng tao na may hinihintay na sana pag gising mo sa umaga, siya yung unang babati sa iyo ng “good morning”? O kaya naman bago ka matulog, siguradong magiging maganda ang panaginip mo dahil siya ang huling magsasabi sa’yo ng “good night”? Minsan ba nasabi niyo sa sarili niyo na ang sarap pag may isang taong nagpaparamdam sa’yo na mahalaga at espesyal ka sa kaniya kahit na hindi kayo nagkikita? Yun bang dahil sa isang text kumpleto na ang araw mo.
Ang sarap ma-in love. Diba? Sa panahon ngayon, hindi na mawawala ang palitan ng text message lalo na sa dalawang taong nagpaparamdaman na mahal nila ang isa’t isa. Tulong din yan para sa mga nagliligawan pa lang at lalo na sa mga magkarelasyon na. 
Lahat tayo may iba’t ibang opinyon tungkol sa text message. Maaaring iba ang perception niyo sa perception ko at pwede rin namang magtugma ang mga pinaniniwalaan natin tungkol dito. Pero aminin niyo, walang araw na hindi kayo naghihintay na sana pag tunog ng cellphone niyo, galing kay mahal/crush/jowa/boyfriend/girlfriend o kung sino pang espesyal sa puso niyo ang text na natanggap niyo.
Ako kasi, may ugali ako na pag hindi ako nakakatanggap ng text mula sa kahit na sino, wala akong dahilan para magtext. Pwera na lang pag may importante akong dapat sabihin. Minsan pag bored ako, mapapa-group message na lang ako. Kung may magreply, salamat. Kung wala, edi wala. Simple lang naman. Ganyan ako pag single. LOL. HAHAHAHA! (Edi lumabas rin! lol)
Seryoso nga. Pag kasi may boyfriend ako, I always do my daily rituals. One or two texts a day. One saying good morning and the other saying good night. Gusto ko kasi pag gising ko sa umaga, magtetext ako sa kaniya para alam niya na gising na ko at siya naalala ko. Sa gabi naman, gusto ko bago ako matulog sa kaniya ulit ang last text ko. Wala lang. Para lang sweet. Pero kasi ang dahilan ko sa ganun, gusto ko ipaalam sa kaniya na siya ang una at huli kong iniisip araw-araw. HAHAHA! OA. LOL. Walang basagan! Eh sa ganun ako eh. Magreply man o hindi, basta ginawa ko yung sa tingin kong sweet. 
Kayo rin naman may ka-sweetan sa katawan hindi ba? Siguro sa iba iisipin niyong corny ako. Well, wala akong pakialam. Walang basagan. HAHAHA!
Pag nakatanggap kasi ako ng text, naiisip ko na “Ay! Naaalala pala niya ko”. Kahit na GM lang, at least nadaanan ako. Mababaw lang akong tao at kahit maliliit o simpleng bagay na-aappreciate ko. Kaya ganun na lang ang halaga ng kahit isang text sa akin.
Wala lang. May ma-ipost lang para sa araw na ‘to. Bigla ko lang kasi naalala na may mga araw na maingay ang cellphone ko dahil sa mga text messages. At may mga araw rin na tengga. Kumbaga “walang nagmamahal”. LOL. HAHAHA! 
Kayo? Anong kwentong text message niyo? 

SA LIKOD NG MGA NGITI


Ang mga ngiti ay minsan mapanlinlang. Hindi mo alam kung totoo o peke ang ngiti ng taong inyong kaharap. Iba-iba ang dahilan ng pagngiti ng isang tao. Depende ito sa mga bagay na nangyayari sa buhay nila o di kaya'y sa emosyong dinadala nila. May mga taong hindi masyado pinapansin ang kilos, ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, pagbitiw ng salita o ng biro nga mga taong nakakasama nila. Ang iba naman ay masyadong naka-focus kung anong misteryo ang bumabalot sa isang tao lalo na pag minsan medyo mahirap basahin ang personalidad ng isang tao. Hindi naman kasi lahat expressive. May iba rin na akala mo okay lang pero ang totoo nasa loob ang kulo. Yun bang akala mo mabait yun naman pala puro kasamaan ang kalooban. May iba naman na akala mo masama pero ang totoo kabutihan ang nasa puso.

Ako kaya? Ano pa bang hindi ko alam? Ano bang kwento sa likod ng mga ngiti ko? Totoo ba ang nakikita niyo sa mga litrato o nakatago sa likuran ng mga mata ko ang tunay na nararamdaman ko? Masasabi niyo ba na sa bawat makukulit na pose ko sa harap ng camera ay may babaeng pinipigilan lang umiyak at tinatago ang problema? Kayo na ang bahalang humusga.

Sa mga taong nakakakilala sa akin, walang araw na hindi ako nagsasalita o di kaya'y nag-iingay. Walang araw na hindi ako tumatawa. Sa dami ng litratong makikita ninyo sa Facebook account ko, hindi niyo aakalaing marami akong problema. Sa katunayan nga, marami akong iniisip. Marami akong hinaing. Ayoko lang kasing nakikita ako ng mga kasama ko na hindi ako okay.

May mga pagkakataong hinihingan ako ng tulong ng mga kaibigan ko. Minsan, sumasabay ang problema nila sa mga problema ko. May ugali pa naman ako na pag may nagshare sa akin ng problema, gagawa ako ng paraan para matulungan yung taong iyon at isasang-tabi ko muna yung sarili kong suliranin. Bakit nga kaya ganun? Pag sa iba nakaka-isip ako ng paraan para matulungan sila pero ang sarili ko, wala akong magawa.

Sa likod ng mga ngiti, may pusong nasasaktan. May mga bagay na iniiwasan mangyari pero dahil sa mapaglaro ang tadhana, bigla na lang ito dadaan sa buhay mo. May mga tao na pinagkatiwalaan mo pero dahil sa mga ngiting nasaksihan nila mula sa iyo, hindi nila naisip na ang ngiting iyon ay pwedeng mapalitan ng lungkot.

Sa likod ng mga ngiti, may pusong patuloy na umaasa. Minsan hindi sapat na nagmahal ka para lang maging masaya. Akala mo pag nagmahal ka, yun ang magiging dahilan para lumigaya ka. Ganun naman sana hindi ba? Ganun naman dapat. Pero minsan, hindi maiiwasan na kung sino pa yung nagmamahal, siya pa yung nasasaktan. Pero kahit na gaano pa karaming sakit at lungkot ang dumating, hindi mawawalan ng pag-asa ang pusong gustong umibig.

Sa likod ng mga ngiti, may utak na naguguluhan. Sa dami ng bagay na iniisip, minsan akala mo nag-aaway na ang puso at ang utak mo. Nasaan na ang talino pag pinagana na ang emosyon? Dun mo maiisip kung ano ba talaga ang mahalaga: utak o puso? Diyan din lumalabas ang pagtatagisan ng galing ng gusto at ng kailangan. Ano ba ang dapat unahin? Yung gusto mo o yung kailangan mo? Pano sa sitwasyon ko? Gusto kong maging masaya. Puso o utak?

Sa likod ng mga ngiti, may ibang taong natutulungan. Hindi ko sinusumbat sa mga kaibigan ko ang nagawa ko para sa kanila. Natutuwa ako dahil masasabi ko na minsan sa buhay ko ay naging inspirasyon ako para sa iba. Masaya ako para sa kanila. Darating kaya ang panahon na may taong magiging masaya para sa akin? Kailan darating ang panahong ako naman ang matutulungan?

Sa bawat ngiti na aking nagagawa at patuloy na pinapasa sa iba, nakakakuha ako ng lakas. Hindi lang ako ang may problema. Alam kong may mga taong mas mabigat pa ang problema kesa sa akin. Siguro nga kaya nilikha akong ganito ay para sabihin sa mga tao na "Oy ikaw, kaya mo yan!"

Ayan mga kaibigan. Nakita niyo ang iba't ibang itsura ko sa harap ng camera. Parang ang saya ko noh? Parang wala akong iniisip na problema. Pero ang totoo niyan, gusto ko nang sumuko. Pero para saan pa't nagbibigay ako ng advise sa mga tao kung ako sa sarili ko ay susuko? Naniniwala ako na darating ang panahon na malalampasan ko kung ano man ang problema ko ngayon. Mahirap lang magsabi dito dahil hindi naman lahat kayo ay may paki-alam. Sa haba nito, baka nga hindi pa ito tapusin ng iba. Salamat na lang at may blog akong handang sumalo ng sama ng loob ko.

Dito ko sasabihin sa inyo na wag na wag kayong magsawang ngumiti. Kahit ano pa ang dahilan o kwento sa likod ng mga labi niyo, wag kayong tumigil ipasa sa iba ang ngiting nagagawa ninyo.

Ngiti tayo, kaibigan! :)

Tuesday, October 9, 2012

SI KARMA AT SI KUPIDO


Totoo ang kasabihang “natututo lang ang tao pag may nangyari nang hindi maganda”. Kasabay din nun ang pagsisisi kapag nakagawa tayo ng mali, sadya man o hindi. May mga bagay na akala natin okay lang. Panatag tayo na ayos lang. May maapektuhan man o wala, may masaktan man o wala, basta nagawa natin ang gusto natin, wala na tayong pakialam. Pero pano pag dumating sa punto na gumanti sa’yo ang karma? May magagawa ka pa ba?
Last time, may naka-usap ako na hindi ko naman masyadong close pero nakapag-open up sa akin tungkol sa buhay pag-ibig niya kamakailan lang. Marapat na hindi na lang pangalanan ang tao na ito pero nagpapasalamat ako dahil sa simpleng tanong ko sa kaniya, nauwi sa heart-to-heart talk ang usapan namin.
Siguro sinasabi niyo na “Eto na naman si Nikki, pag-ibig na naman ang topic”. Pasensya na. Hanggang blog na lang ata ang pag-ibig sa akin. Pero para sa inyo rin naman ang mga sinusulat ko. Hindi naman ako nagsusulat para lang sa wala. Siguro nga ako yung babaeng hinding-hindi magsasawa gumawa ng blog post tungkol sa pag-ibig. Pangit man o maganda ang kwento, hindi ako mapapagod.
Karma. Ang karma ay hindi laging masama. May good at may bad karma. Pag may mabuti kang ginawa, masusuklian ka rin ng kabutihan. Pero pag may ginawa kang masama, asahan mong yan din ang babalik sa’yo. Tulad lang yan ng “kung anong itinanim, siyang aanihin”
Ayon sa naka-usap ko nung isang araw, ibinahagi niya sa akin kung papaano siya makipagrelasyon sa mga babae dati. Parang walang kaso sa kaniya kung magbreak sila o hindi dahil alam niyang marami pa namang iba. Kumbaga, parang nagbibilang lang siya ng babae at hindi niya sineseryoso ang mga ito. Hanggang sa nakatagpo siya ng babae na makakapagpabago sa kaniya. Nagawa niyang magpakatanga dahil sa pagmamahal niya pero tuluyang nawala sa kaniya. Ramdam ko yung sakit na naramdaman niya habang nagkukwentuhan kami. Siya na rin mismo nagsabi na iniisip niya na kaya nangyari ang lahat ng iyon ay dahil sa karma. Maloko siya noon kaya siningil siya ngayon.
Nagtanong lang naman ako kung anong mas gusto niya: kung mas matanda o mas bata ang babae kesa sa kaniya. Sabi niya mas pipiliin daw niya ang mas matanda kesa sa kaniya kasi ayaw na niya ng mga isip bata. Dahil lang sa tanong na yun humantong kami sa seryosong usapan tungkol sa ex niya.
Habang pinag-uusapan namin yung ex niya, naisip ko na totoo nga talaga na may mga babaeng hindi marunong maka-appreciate ng effort ng lalaki. Hay nako! Samantalang ako, lagi kong sinasabi na “small effort counts”! Kahit gaano kaliit ang effort ng lalaki para sa’kin, basta mapatunayan lang na mahal ako sapat na yun. Well, magkaiba kami nung babae. Demanding siya, ako hindi. Maarte siya, ako slight lang. LOL. HAHAHAHA! 
Kidding aside, humanga ako dun sa lalaki na kausap ko kasi kahit na mas bata siya sa’kin, matured siya mag-isip at bihira na makita ang ganun sa isang lalaki lalo na sa usaping pag-ibig. Alam ko marami pang maloloko diyan. Pero sige lang… walang pumipigil sa inyo. Hintayin niyo na lang na makahanap kayo ng katapat.
“Nagbago na ko”. Yan yung sinabi sa akin nung kausap ko. Mahirap man paniwalaan ang mga taong nagsasabi ng ganyan, naniwala ako dahil nakita ko talaga sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere. Mula sa kwento niya kung paano siya magloko, hanggang sa effort na ginawa niya para sa ex niya, dun ko nakitang totoo siya. 
Haaay! Kung pwede lang magsurvey at humanap ng matinong lalaki, matagal ko na sanang ginawa para makapili ako ng tamang lalaki para sa akin. Pero hindi eh. Ang pag-ibig, nasa pana ni Kupido. Kung sino man ang tamaan nito, paniguradong mahuhulog. Yun nga lang, kanino mahuhulog? Sa tama o sa maling tao?
Ang pag-ibig, pwedeng mapaglaruan depende sa taong humahawak. Pero ang tunay na pag-ibig, pag hinawakan mo na, dalawang bagay lang ang pwede mong maramdaman: kasiyahan dahil pareho kayong nagmamahalan o kalungkutan dahil isa sa inyo ang nasaktan. 
Tandaan niyo lang na ang karma ay parang pana ni Kupido. Yun nga lang, ang karma ay tatama sa iyo para gisingin ka mula sa kahibangan mo at turuan ka ng leksyon dahil sa mga maling nagawa mo. Ang pana ni Kupido naman, tatama sa’yo pag nandiyan na ang taong nakatakda para mahalin mo at magmamahal sa’yo.