Sunday, September 23, 2012

SLEEPOVER


HOME SWEET HOME!
Yan ang nasabi ko kagabi pag pasok ko ng kwarto ko. Apat na gabi akong hindi umuwi dito sa bahay dahil nga nakikitira ako sa mga kamag-anak ko sa Tondo pag nakaduty ako sa Caloocan. Friday night sana makakauwi na ko pero dahil sa na-kidnap ako ni KIM ANDREA SARINAS, dun ako sa bahay nila natulog. 
Sa bahay nila sa Cavite. -_- Diba? Ang layo ng nararating ko. Pagod na pagod ako nung Friday dahil from duty, pumunta agad ako sa burol ng tito ko kasi umaasa ako na from there, uuwi na ko sa Fairview. Nabago lahat ng plano nung nagtext sakin si Kimmy na dun na lang daw ako matulog.
Ayos lang naman na dun ako matulog pero wala na kong damit. Sakto lang yung baon ko sa Tondo. Pero dahil sa talagang mapilit at wala na kong magawa, lahat ng ginamit ko sila nag provide. HAHAHA! Pinahiram niya ko ng undies tapos pinahiram ako ng mom niya ng pantulog. Pati tsinelas at medyas pinahiram niya ko. HAHAHA! Ang kawawa ko lang. LOL. Sino ba naman kasing hindi magmumukhang kawawa sa ganung sitwasyon? Bigla-bigla na lang sinabi na dun na ko matulog. Buti sana kung sinabihan ako ahead of time para napaghandaan ko. 
Nevertheless, masaya naman ang naging sleepover. 4:30am na kami natulog dahil nagchismisan at nanuod pa kami ng movie. Kung hindi ako nagsabing inaantok na ko, wala bang balak matulog ang batang yon. Grabe! Di pa daw siya inaantok. Pero siya unang-unang nahiga. Nagmamadali pa. LOL. HAHAHAHA!
The next day, we have to part ways. Sila may pupuntahang party, kami ng papa ko pupunta ulit sa burol ng tito ko. But of course, that experience won’t be complete without pictures. :)
image
Ayan kami nung bagong ligo. HAHAHA! Kailangan na maghanda para sa mga pupuntahan. :)
image
Eto? Hmmm… Second attempt kasi putol siya sa unang picture. HAHAHAHA!
image
HAHAHA! Ito ang last picture. Palakihan daw kami ng mata. Pareho kaming singkit pero mas malaki mata ko kesa sa mata niya. HAHAHAHA!
That was fun! Wait, hindi ba kami magkamukha? HAHAHA! Magkapatid kami sa pananampalataya sabi ng papa ko. But we have opposite personality. Extreme opposites talaga! HAHAHA!
Anyway, ayoko lang ma-miss ang experience na ito kaya nilagay ko dito sa blog ko.

No comments:

Post a Comment