May mga bagay sa mundo na akala natin yun na. Akala natin tama ang desisyong ginawa natin pero yun pala lahat ay sa umpisa lang. Dun sa desisyon mo, may mga tao kang nasaktan na hindi sinasadya. May mga taong lingid sa kaalaman nila’y hindi ka magdedesisyon ng ganun pero nagawa mo. Ikaw naman, sinunod mo lang kung anong sinasabi sayo ng puso mo. Yun lang. Hindi mo intensyong makasakit ng iba pero yun ang nangyari.
Biglang dumating yung araw na naisip mo na nagkamali ka ng desisyon. Hindi dapat ganun ang nangyari at sana hindi na umabot sa puntong naka sakit ka ng iba. Hindi mo alam kung sinong sisisihin pero ang totoo, sarili mo lang ang kalaban mo.
Masarap umibig, alam niyo yan. Hindi yan napipigilan ng sinoman. At kahit kanino pwedeng dumapo yan. Minsan sinasabayan pa yan ng tadhana kaya lalo kang nawiwindang. Siguro nga nakakabaliw ang pag-ibig pag sayo ito dumapo. Pero tama ba ang naging desisyon mong pumili ng taong mamahalin ngunit iiwan ka rin sa huli?
Minsan pag nagmahal ka, hindi mo alam na may taong nagmamahal at naghihintay sayo. Merong taong nasasaktang makita kang masaya sa piling ng iba. Pero kasalanan mo bang magkaroon ng mahabang buhok? LOL. Hahaha! Kiddin’ aside, kasalanan mo bang maunahan siya ng iba na ipagtapat ng mas maaga ang nararamdaman niya?
Ayun at nasaktan ka ng taong pinili mo. Yung taong naghihintay at patagong nagmamahal sayo ay lumayo. Ikaw, naghahanap ng masasandalan. Pasalamat na lang dahil may mga kaibigan kang handang sumaklolo sayo.
Dumating ang araw na nagka-usap kayo nung taong lihim kang minamahal. Simpleng kamustahan at biruan na nauwi sa aminan. Pero ikaw, kailanman ay hindi mo madaya ang sarili mo na wala ka talagang nararamdaman para sa kaniya. Hindi mo naman siya pinaasa dahil hindi naman niya sinabi ang nararamdaman niya noon. Kahit ilang buwan na ang nakalipas mula pa nung simula ka niyang layuan, nandiyan pa rin siyang hindi napapagod para maglaan ng kahit konting oras para sayo. Pero ikaw, kahit na ilang buwan na kayong hiwalay ng ex mo, hindi mo pa rin magawang buksan ang puso mo para magmahal ng iba.
Ang hirap ano? Lalo na pag biglang pumasok sa isip mo na pano kaya kung pinili mong mahalin yung taong hindi umamin kaagad na mahal ka niya, siguro hanggang ngayon masaya kang may ka-relasyon. Pero ganyan talaga ang buhay. Mapaglaro ang tadhana at si kupido.
Sinong pipiliin mo: ang taong mahal mo dahil alam mong mahal ka o ang taong nagmamahal sayo pero di mo naman mahal?
No comments:
Post a Comment