Wednesday, September 19, 2012

BRAND NEW EXPERIENCE 1: AMBU BAG


This day is one of my not-so-good days but with brand new experiences. Waking up early because of a text message is not included. I managed to go back to sleep for I think three additional hours and that’s it. Okay fine. Kung hindi yan ang dahilan ng pagiging bad mood ko, pwes. Basahin niyong mabuti ang mga susunod na kwento.

Nagsimula ang pagkabadtrip ko sa jeep papuntang duty. So inuulit ko, wala pong kinalaman ang taong unang-unang nagtext sa akin. HAHAHA! Anyway… nakakabadtrip kasi yung katabi kong lalaki. Kulang na lang maubos yung amoy ng pabango ko sa kasisinghot niya. Alam niyo yung rinig na rinig niyo yung pag-amoy niya sayo? Kulang na lang pumasok ka sa ilong niya eh. Nakaka-inis at feeling ko nabastos ako ng ganun. Pero wala akong masyadong magawa kasi puno yung jeep. :| As in siksikan. Mas lalo akong nainis nung bumaba na ko. Pinigilan ako bumaba nung bwisit na lalaking yun at plano pang hilahin yung kamay ko. Sa pag-iwas ko, nasugatan tuloy ako. Nakakainis. Buti hindi masyadong malalim yung galos pero masakit kasi nagasgas at parang nagtuklap yung skin. Basta masakit. Ramdam na ramdam ko lalo nung nag alcohol ako.

I wasn’t expecting this day to be toxic. Pag dating na pag dating ko pa lang may sumalubong na agad sa akin na bagong dating na pasyente. So yeah. Wala akong karapatan magreklamo kahit na hindi ko pa tuluyang na aayos ang mga gamit ko. Sabak na agad sa interview. Hindi biro ang maging ER nurse. Attentive talaga dapat at presence of mind ang kailangan.
Going back, my instructor and I was preparing something (I can’t remember what) when someone arrived. All other nurses attended the man, I saw a lady crying and doctors were there to check on the man. “Mamaya na yan, may DOA tayo.” I left everything there at once. Mabilis ang mga pangyayari sa loob ng emergency room. Oh by the way, DOA means Dead On Arrival. Nangawit ako sa pagbibigay ng hangin using an ambu bag. The doctor started it pero ako na nag-offer para magtuloy. Ilang cycles din ang nagawa ko but of course nakakapagod so salitan kami ng kaklase ko. Para saan pa ang bantay kung papanuorin lang kami? Tinuruan namin sila gawin yung ginagawa namin dahil hindi lang yung lalaking tinutulungan namin mabuhay ang pasyente sa ER.

Hindi birong makasaksi ng ganung pangyayari. Akala ko sa telebisyon ko lang matutunghayan ang mga ganung klaseng eksena pero totoong nangyayari yun sa ating buhay. Awa ng Diyos, na-revive naman siya at yun ang mahalaga.

I t u t u l o y…

No comments:

Post a Comment