Saturday, September 15, 2012

PISTANTHROPHOBIA

image


Spent the whole day alone in my room. I’m not in the mood to go out and I’m not feeling well. Kesa mabaliw ako sa pag-iisa, naghanap na lang ako ng makaka-usap sa facebook. I checked my friends who were online and had a little chit-chat. Hanggang sa nakatanggap ako ng notification na may nagsulat sa wall ng isang group na kabilang ako. Nagpapa-follow siya sa blog niya so I did. It’s just a small favor kaya binisita ko blog niya.
imageAnd then I found a photo post that inspired me to create this one. 
Ayan. Naka-relate ako masyado kaya napagawa ako ng post ng hindi oras.
After seeing that photo, I consulted Google to verify the meaning of that word. Pistanthrophobia means fear of trusting someone or people. Bakit nga hindi magkakaganyan ang tao kung wala namang pinagmulan ang takot sa pagtitiwala? Sabi nga diba, lahat ay may dahilan. Kaya kung may taong takot magtiwala, posibleng nakaramdam sila ng sakit sa pagtitiwala.
I am so much affected by this. I mean nararanasan ko ngayon ang takot na magtiwala ulit sa taong minsan nang nakasakit sa akin. Napatawad ko, oo. Pero ang magtiwala ulit, mahirap. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko man magtiwala completely pero may pumipigil sa akin na hindi ko alam at di ko maintindihan kung ano. Di ko alam kung takot talaga ko magtiwala o takot akong masaktan ulit o pareho. Ewan! Di ko alam.
Basta nakakasiguro ako na kung ano man yung bumabagabag sa akin ngayon, lilipas din sa takdang panahon. Yung tiwalang nawala para sa taong nakasakit sa akin, alam kong babalik din. Nakapagpatawad naman na ako at naging mahalaga din naman tong taong ‘to kaya I’m sure, babalik at babalik ang tiwalang nawala.
Sa mga nakakarelate, wag na lang kayong matakot buksan ulit ang puso niyo. Alam kong mahirap ibalik ang tiwalang nawala pero isipin niyo yung halaga nung taong iyon. Lahat ay maiaaayos sa tamang panahon.

No comments:

Post a Comment