One event made me stand on a corner without doing anything while all others were busy reviving a child. First time kong makakita ng ganung eksena. Parents crying, especially the mom while the doctors and nurses were there to revive the young girl. Ang bigat sa pakiramdam kaya hindi ako lumapit. Kamamatay lang din ng tito ko at ayokong makakita ng taong namamatay.
Nakapalibot ang mga nurse at ang mga doktor sa batang pilit binubuhay. Yung mga magulang, pilit sumisilip sa ginagawa nung mga nasa paligid. Marami ring ibang tao ang gustong malaman kung anong nangyayari sa bata.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng mga magulang nung bata. Hindi pa ko nanay pero siyempre sino ba ang may gusto ng nakikita ang mahal sa buhay na lumalaban para mabuhay.
Madalas napagpapalit ng instructor ang pangalan namin ng kaklase ko. Kung hindi ko narinig ang pangalan ko, wala talaga akong plano lumapit dun. Tsk. Alam kong pinagkamalan na naman niya na ako si Kim kaya bigla akong lumapit. Wala na kong nagawa. One staff nurse requested a gauze so fine. Walang reklamo, nag-abot at nag assist ako. Pinagprepare pa ko ng epinephrine.
Weakness ko ang pagbubukas ng ampule dati. But practice makes perfect. HAHAHA! Natutunan ko ang technique so confident na ko. “Ang sexy mo naman magbukas ng ampule. Ikaw na!” Natawa at napangiti ako nun kahit na hindi naka-survive yung bata at hindi ata nagamit yung gamot na hinanda ko. Nakakalungkot at iba yung pakiramdam na mismong ako ang nag-alis ng mga naka-kabit sa kaniya like dextrose at naglinis ng mga natirang dugo.
Na-touch ako nung lumapit yung tatay nung bata at humalik. Sabay kinarga na niya at pumunta sa morgue.
I t u t u l o y…
No comments:
Post a Comment