Wednesday, September 19, 2012

BRAND NEW EXPERIENCE 3: LAUNDRY


Hindi lang ang kwentong ambu bag at ampule ang high light ng buong duty ko sa ER. At hindi lang sila ang pasyenteng nakaharap ko. My not-so-good-day went long. Toxic kung toxic. ECG, catheter insertion, interview, vital signs, medications, skin test, wound dressing and many more were all done. Hindi ko na ma-recall pa ang iba pero sagana sa dami ng pasyente ang nahawakan ko compared last week. Haggard kung haggard.

Ang oras ng duty ay natatapos din. Kaya oras na para umuwi. Hindi uso ang break time doon kaya gutom talaga ang aabutin ng taong hindi sanay kumain ng wala sa oras.

Yeah. As what I’ve told everyone, I’m away from home when I’m kicked to have duty in Caloocan. HAHAHA! Sinipa talaga. LOL. Wala naman akong magagawa kung sa PDMMMC ang base hospital ng school ko kaya maraming panahon na makikitira muna ako sa mga kamag-anak ko dito sa Tondo. Close naman ako sa kanila dahil nung bata pa ko, hinihiram nila ko sa Fairview at pilit binibitbit dito. LOL. HAHAHA! Kaya sanay na ako dito.

One problem. I only have one NEC scrub suit. Kung nandun ako sa bahay namin, wala akong problema magpalaba dahil may dryer at sigurado akong lalabhan yun para magamit ko kinabukasan. But wait, I’m far away from home. Hindi porket ka-close ko ang mga kamag-anak ko dito means sobrang feel at home na ko. No!

Dahil nga sa namatay yung tito ko last Monday, araw-araw dumadalaw sa burol ang halos lahat sa amin. Ako nga lang ang hindi naka dalaw ngayon at panigurado hanggang bukas dahil sa malayong lugar ang duty ko at di ko kakayanin magpuyat ng masyado. Anyway, si Lolo Andy lang ang naiwan dito sa bahay. Alangan namang palabhan ko sa kanya yung scrubs ko?! HAHA!

Earlier this afternoon before I go to my duty place, I requested Kodie’s yaya to leave laundry detergent for me to use when I get home before they leave and head to my tito’s wake. Kaya pag-uwi ko, imbis na kumain muna ako, sinimulan ko na maglaba. Sayang ang oras ng pagpapatuyo ng uniform! HAHAHA!

First time ako naglaba ng uniform sa buong buhay ko. Swear! Hanggang panty, bra at panyo lang ang nilalabhan ko pero this time, ako mismo ang naglaba at nagsampay. Achievement! :) Na-realize ko na kaya ko maging independent at kaya kong kumilos mag-isa na walang inaasahang ibang tao.

Natawa pa ko kasi right after ko maglaba, tumunog ang phone ko.

Ian: “Uy Nik. Sabi ni lola kung nandyan ka na ba daw sa bahay ni Lola Glory?” 
Me: “Oo. Lokohin mo. Kalalaba ko lang ng uniform ko. PWEDE NA KO MAG-ASAWA. Bwahahaha!”
Ian: “Sabi ni lola patay kang bata ka.”

Hindi pa ba pwede? LOL. Pwede na yan! Yun nga lang, wala pang pakakasalan. HAHA!
At dito nagtatapos ang kwento ng roller-coaster day and mood ko. Nabadtrip gawa nung lalaki sa jeep, nalungkot sa pagkamatay ng isang pasyente, natuwa dahil nakapag revive ng tao at nakapaglaba for the first time.

P A H A B O L:
Hindi ako maka-get over dun sa ampule. Ang sexy ko daw eh. LOL. HAHAHA! Ang sexy ko daw magbukas. :)

H I N T:
Na-cute-an tuloy ako sa nagsabi sa akin nun. Si sir… I forgot the name. Staff nurse sa PDMMMC na ilang beses kong nakatabi at naka-usap kahit sa napaka bilis na oras.
T R U T H:
Crush ko. :”> HAHAHAHAHAHAHAHA! 

F I N A L E:
Crush lang naman eh. :) Sana ka-duty ko ulit bukas. LOL. 

No comments:

Post a Comment