Sa ganyang sitwasyon, sino ang tunay na may kasalanan? Yung slut ba o yung lalaki? Sabihin na nating hindi naman laging lalaki ang nagkakasala pag dating sa ganyan. May mga babae ring salawahan. Yung iba nga hindi lang salawahan eh, tatluhan, apatan, sige kanila na lahat! Pero bakit nga ba nakukuha ng isang tao ang mangaliwa at hindi makuntento sa kung sino ang ka-relasyon nila?
Pag may malanding babae, walang pinipiling sitwasyon yan. Walang pakialam kung may relasyon o wala yung lalaking natitipuhan nila. Uso sa kanila ang kasabihang, “Ang asawa nga nasusulot, yun pa kayang hindi kasal?” Lahat ng paraan ng pang-aakit magagawa nila. Text text, friends kunyari pero ang totoo patagong sinisiraan na yung babaeng ka-relasyon ng lalaki. Lahat gagawin o sasabihin para lang ma-impress yung lalaki at ipa-realize sa kanya na mas higit siya kesa dun sa girlfriend o ka-relasyon. Para lang makuha yung loob nung lalaki, lahat talaga ng paraan papasok sa isip. Kapal na lang ng mukha kahit na alam na mali, patuloy pa rin sa ginagawa.
Ang mga walang hiyang lalaking pumapatol sa ganyan, walang kwenta. Yan yung mga walang isang salita. Mga feeling gwapo. Akala nila kaya nilang makuha lahat. Para silang stick ng fishball at sige na lang ang pagtuhog. Nung una puro pangako ang bibitawan para lang mapasagot yung babaeng sinasabi nilang mahal na mahal nila. Pero dumating si tukso at nagpadala ang gago. So papaano na ang pangako sa girlfriend? Wala. Ang pangako ay napako. Hanggang salita na lang. Biglang lumalabas sa kanila yung kasabihang “Mas mahal ko pala siya.” Mas mahal agad eh nagpalandi ka lang?!
Ang mga babae di din nagpapahuli. Feeling maganda naman sila. Di makuntento sa isa. Diyan lalabas yung “Napupunan niya kasi yung mga pagkukulang ng boyfriend ko eh.” May mga malalambot na puso ang mga ito. Madaling ma-fall sa mga kasinungalingan sinasabi ng mga lalaki lalo na pag tunog sweet pero ang totoo pambobola lang. Ito yung mga hindi masyadong nakaka-appreciate ng effort ng mga ka-relasyon nila.
SINO ANG MAY KASALANAN?
Kung ako ang tatanungin, hindi kasalanan ng “slut” ang nasirang relasyon. Kasalanan ito nung taong nagpadala sa temptasyon. Given na may mali talaga yung slut na yan lalo na kung alam naman niyang may masisirang relasyon pero wala siyang pakialam. Nasa lalaki o babae na yan kung paninindigan niyang in a relationship na siya o kakapalan ang mukha at mananatiling single sa mata ng iba.
Ganito lang naman ka-simple yan mga kaibigan. Kung matino ka talagang tao at seryoso ka sa relasyon niyo, kahit ilang libong slut ang tumambad sa harapan mo, mananatili kang tapat at totoo sa taong pinili mong mahalin. Dapat umpisa pa lang kinukundisyon mo ang sarili mong humanda sa ganyang sitwasyon. Hindi maiiwasan yan. Ang tukso ay nasa paligid. Choice mo kung magpapadala ka o mananatili ka.
No left turn. If you’re good enough then go straight ahead. Konting kunsensya naman mga kaibigan. Pag kayo napaglaruan ng karma ewan ko na lang. Wag feeling gwapo o maganda. Ikaw rin. Hindi lang relasyon ang nasisira sayo, pati pagkatao mo.
So kung nakaka-relate ka at kasalukuyang nasa ganitong sitwasyon, paalala lang kaibigan, wag mong hintaying mangyari sayo ang ginagawa mo pag dumating ang panahong maniningil ang tadhana. Ang karama’y nasa paligid lang. Ingat ka.
Para sa mga nagmamahalan, pagtibayin niyo ang pagsasama ninyo. Wag na lumingon pa sa kanan o kaliwa. Pinili niyo ang isa’t isa kaya panindigan ang mga pangakong binibitawan.
Sa mga single, wag na wag kayong magbalak maging “slut”. Wag mo namang ipahalatang uhaw na uhaw ka. Maghintay ka ng para sa iyo. Kusang darating ang tunay na pag-ibig.
Maging masaya sa kung anong meron kayo ngayon. Life is not that perfect. People are imperfect too. Then live your life with a good heart.
Ngiti tayo kaibigan!
No comments:
Post a Comment