Thursday, September 27, 2012

DAPAT AKO LANG!


Para sa aking mamahalin… 
Kung ako ay may hihilingin
Ikaw sana ang aking makapiling
‘Wag mo sana akong biguin
Pagkat ikaw lamang ang aking iibigin
 
Pangako sa’yo ikaw lang ang mamahalin
‘Di magbabago ang aking hangarin
Ganyan din sana ang tingin mo sa akin
Habang buhay sana ako’y paligayahin
-Anna Dominique Reyes, 2012

It’s every girl’s dream. If not all girls, maybe some. But for sure, this is my dream.


My dream is to find someone who’ll love me completely. Someone who’ll take care of my heart and will accept all sides of me. Yun lang naman eh. Di naman ako tumitingin sa itsura at sa kung anong nakaraan o pinanggalingan ng tao. Ang mahalaga sa’kin, seryoso at mahal ako ng totoo. Syempre kung mamahalin ako, dapat ako lang. Ayoko ng may kahati, ayoko ng may kaagaw, at lalong-lalo na ang maging reserba.

Selfish? Di naman masyado. Ang ibig ko lang naman sabihin ay sana makatagpo ako ng stick-to-one. Sinong matinong babae ang gusto ng may third party? At sinong matinong babae ang papayag na may kahati sa puso ng lalaking mahal niya? Wala naman siguro.

Hindi ako demanding at alam kong hindi lang ako ang tao sa buhay ng magiging boyfriend/asawa ko. Hindi sa akin iikot ang mundo niya. Kung sa prioritization, kahit maging pangatlo ako okay lang. Basta ang mauuna sa listahan niya ay ang Diyos at ang pamilya niya, saka na niya ko isunod, magiging masaya at panatag ako.

I want God to be the center of my future relationship with someon. Naniniwala kasi ako na kahit hindi maging perfect ang relasyon namin, basta pareho kaming nagtitiwala sa kakayahan ni Lord na matulungan kaming pagtibayin ang pagsasama namin, lahat ng problemang darating – maliit man o malaki – malalampasan namin. Naniniwala ako dun at walang makakapagbago nun sa akin.

Pag sinabi niyang mahal niya ko, dapat sa akin lang. Hindi group message! Anak ng tinapa naman talaga. Alam kong maraming gago sa panahon ngayon. Pero di ako mawawalan ng pag-asa na darating ang panahong ilalapit sa akin ng tadhana ang lalaking itinakda ng Panginoon para mahalin ako at mahalin ko rin.

Ako lang… Siya lang… Kaming dalawa lang…

Walang makikigulo. Walang makikialam.

Payag man o tutol ang iba… Ulanin man kami ng mga paratang ng iba…

Basta nagmamahalan kami, di kami padadala sa sasabihin ng iba.

Tapos ang usapan.

Teka. Nakita niyo na ba yung lalaking nakatakda para sakin? Kung oo paki sabi naghihintay lang ako. Magkita na lang kami sa tamang oras. HAHAHAHAHA! :D

Sunday, September 23, 2012

SLEEPOVER


HOME SWEET HOME!
Yan ang nasabi ko kagabi pag pasok ko ng kwarto ko. Apat na gabi akong hindi umuwi dito sa bahay dahil nga nakikitira ako sa mga kamag-anak ko sa Tondo pag nakaduty ako sa Caloocan. Friday night sana makakauwi na ko pero dahil sa na-kidnap ako ni KIM ANDREA SARINAS, dun ako sa bahay nila natulog. 
Sa bahay nila sa Cavite. -_- Diba? Ang layo ng nararating ko. Pagod na pagod ako nung Friday dahil from duty, pumunta agad ako sa burol ng tito ko kasi umaasa ako na from there, uuwi na ko sa Fairview. Nabago lahat ng plano nung nagtext sakin si Kimmy na dun na lang daw ako matulog.
Ayos lang naman na dun ako matulog pero wala na kong damit. Sakto lang yung baon ko sa Tondo. Pero dahil sa talagang mapilit at wala na kong magawa, lahat ng ginamit ko sila nag provide. HAHAHA! Pinahiram niya ko ng undies tapos pinahiram ako ng mom niya ng pantulog. Pati tsinelas at medyas pinahiram niya ko. HAHAHA! Ang kawawa ko lang. LOL. Sino ba naman kasing hindi magmumukhang kawawa sa ganung sitwasyon? Bigla-bigla na lang sinabi na dun na ko matulog. Buti sana kung sinabihan ako ahead of time para napaghandaan ko. 
Nevertheless, masaya naman ang naging sleepover. 4:30am na kami natulog dahil nagchismisan at nanuod pa kami ng movie. Kung hindi ako nagsabing inaantok na ko, wala bang balak matulog ang batang yon. Grabe! Di pa daw siya inaantok. Pero siya unang-unang nahiga. Nagmamadali pa. LOL. HAHAHAHA!
The next day, we have to part ways. Sila may pupuntahang party, kami ng papa ko pupunta ulit sa burol ng tito ko. But of course, that experience won’t be complete without pictures. :)
image
Ayan kami nung bagong ligo. HAHAHA! Kailangan na maghanda para sa mga pupuntahan. :)
image
Eto? Hmmm… Second attempt kasi putol siya sa unang picture. HAHAHAHA!
image
HAHAHA! Ito ang last picture. Palakihan daw kami ng mata. Pareho kaming singkit pero mas malaki mata ko kesa sa mata niya. HAHAHAHA!
That was fun! Wait, hindi ba kami magkamukha? HAHAHA! Magkapatid kami sa pananampalataya sabi ng papa ko. But we have opposite personality. Extreme opposites talaga! HAHAHA!
Anyway, ayoko lang ma-miss ang experience na ito kaya nilagay ko dito sa blog ko.

Wednesday, September 19, 2012

BRAND NEW EXPERIENCE 1: AMBU BAG


This day is one of my not-so-good days but with brand new experiences. Waking up early because of a text message is not included. I managed to go back to sleep for I think three additional hours and that’s it. Okay fine. Kung hindi yan ang dahilan ng pagiging bad mood ko, pwes. Basahin niyong mabuti ang mga susunod na kwento.

Nagsimula ang pagkabadtrip ko sa jeep papuntang duty. So inuulit ko, wala pong kinalaman ang taong unang-unang nagtext sa akin. HAHAHA! Anyway… nakakabadtrip kasi yung katabi kong lalaki. Kulang na lang maubos yung amoy ng pabango ko sa kasisinghot niya. Alam niyo yung rinig na rinig niyo yung pag-amoy niya sayo? Kulang na lang pumasok ka sa ilong niya eh. Nakaka-inis at feeling ko nabastos ako ng ganun. Pero wala akong masyadong magawa kasi puno yung jeep. :| As in siksikan. Mas lalo akong nainis nung bumaba na ko. Pinigilan ako bumaba nung bwisit na lalaking yun at plano pang hilahin yung kamay ko. Sa pag-iwas ko, nasugatan tuloy ako. Nakakainis. Buti hindi masyadong malalim yung galos pero masakit kasi nagasgas at parang nagtuklap yung skin. Basta masakit. Ramdam na ramdam ko lalo nung nag alcohol ako.

I wasn’t expecting this day to be toxic. Pag dating na pag dating ko pa lang may sumalubong na agad sa akin na bagong dating na pasyente. So yeah. Wala akong karapatan magreklamo kahit na hindi ko pa tuluyang na aayos ang mga gamit ko. Sabak na agad sa interview. Hindi biro ang maging ER nurse. Attentive talaga dapat at presence of mind ang kailangan.
Going back, my instructor and I was preparing something (I can’t remember what) when someone arrived. All other nurses attended the man, I saw a lady crying and doctors were there to check on the man. “Mamaya na yan, may DOA tayo.” I left everything there at once. Mabilis ang mga pangyayari sa loob ng emergency room. Oh by the way, DOA means Dead On Arrival. Nangawit ako sa pagbibigay ng hangin using an ambu bag. The doctor started it pero ako na nag-offer para magtuloy. Ilang cycles din ang nagawa ko but of course nakakapagod so salitan kami ng kaklase ko. Para saan pa ang bantay kung papanuorin lang kami? Tinuruan namin sila gawin yung ginagawa namin dahil hindi lang yung lalaking tinutulungan namin mabuhay ang pasyente sa ER.

Hindi birong makasaksi ng ganung pangyayari. Akala ko sa telebisyon ko lang matutunghayan ang mga ganung klaseng eksena pero totoong nangyayari yun sa ating buhay. Awa ng Diyos, na-revive naman siya at yun ang mahalaga.

I t u t u l o y…

BRAND NEW EXPERIENCE 2: AMPULE


One event made me stand on a corner without doing anything while all others were busy reviving a child. First time kong makakita ng ganung eksena. Parents crying, especially the mom while the doctors and nurses were there to revive the young girl. Ang bigat sa pakiramdam kaya hindi ako lumapit. Kamamatay lang din ng tito ko at ayokong makakita ng taong namamatay.

Nakapalibot ang mga nurse at ang mga doktor sa batang pilit binubuhay. Yung mga magulang, pilit sumisilip sa ginagawa nung mga nasa paligid. Marami ring ibang tao ang gustong malaman kung anong nangyayari sa bata.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng mga magulang nung bata. Hindi pa ko nanay pero siyempre sino ba ang may gusto ng nakikita ang mahal sa buhay na lumalaban para mabuhay.
Madalas napagpapalit ng instructor ang pangalan namin ng kaklase ko. Kung hindi ko narinig ang pangalan ko, wala talaga akong plano lumapit dun. Tsk. Alam kong pinagkamalan na naman niya na ako si Kim kaya bigla akong lumapit. Wala na kong nagawa. One staff nurse requested a gauze so fine. Walang reklamo, nag-abot at nag assist ako. Pinagprepare pa ko ng epinephrine.

Weakness ko ang pagbubukas ng ampule dati. But practice makes perfect. HAHAHA! Natutunan ko ang technique so confident na ko. “Ang sexy mo naman magbukas ng ampule. Ikaw na!” Natawa at napangiti ako nun kahit na hindi naka-survive yung bata at hindi ata nagamit yung gamot na hinanda ko. Nakakalungkot at iba yung pakiramdam na mismong ako ang nag-alis ng mga naka-kabit sa kaniya like dextrose at naglinis ng mga natirang dugo.

Na-touch ako nung lumapit yung tatay nung bata at humalik. Sabay kinarga na niya at pumunta sa morgue.

I t u t u l o y…

BRAND NEW EXPERIENCE 3: LAUNDRY


Hindi lang ang kwentong ambu bag at ampule ang high light ng buong duty ko sa ER. At hindi lang sila ang pasyenteng nakaharap ko. My not-so-good-day went long. Toxic kung toxic. ECG, catheter insertion, interview, vital signs, medications, skin test, wound dressing and many more were all done. Hindi ko na ma-recall pa ang iba pero sagana sa dami ng pasyente ang nahawakan ko compared last week. Haggard kung haggard.

Ang oras ng duty ay natatapos din. Kaya oras na para umuwi. Hindi uso ang break time doon kaya gutom talaga ang aabutin ng taong hindi sanay kumain ng wala sa oras.

Yeah. As what I’ve told everyone, I’m away from home when I’m kicked to have duty in Caloocan. HAHAHA! Sinipa talaga. LOL. Wala naman akong magagawa kung sa PDMMMC ang base hospital ng school ko kaya maraming panahon na makikitira muna ako sa mga kamag-anak ko dito sa Tondo. Close naman ako sa kanila dahil nung bata pa ko, hinihiram nila ko sa Fairview at pilit binibitbit dito. LOL. HAHAHA! Kaya sanay na ako dito.

One problem. I only have one NEC scrub suit. Kung nandun ako sa bahay namin, wala akong problema magpalaba dahil may dryer at sigurado akong lalabhan yun para magamit ko kinabukasan. But wait, I’m far away from home. Hindi porket ka-close ko ang mga kamag-anak ko dito means sobrang feel at home na ko. No!

Dahil nga sa namatay yung tito ko last Monday, araw-araw dumadalaw sa burol ang halos lahat sa amin. Ako nga lang ang hindi naka dalaw ngayon at panigurado hanggang bukas dahil sa malayong lugar ang duty ko at di ko kakayanin magpuyat ng masyado. Anyway, si Lolo Andy lang ang naiwan dito sa bahay. Alangan namang palabhan ko sa kanya yung scrubs ko?! HAHA!

Earlier this afternoon before I go to my duty place, I requested Kodie’s yaya to leave laundry detergent for me to use when I get home before they leave and head to my tito’s wake. Kaya pag-uwi ko, imbis na kumain muna ako, sinimulan ko na maglaba. Sayang ang oras ng pagpapatuyo ng uniform! HAHAHA!

First time ako naglaba ng uniform sa buong buhay ko. Swear! Hanggang panty, bra at panyo lang ang nilalabhan ko pero this time, ako mismo ang naglaba at nagsampay. Achievement! :) Na-realize ko na kaya ko maging independent at kaya kong kumilos mag-isa na walang inaasahang ibang tao.

Natawa pa ko kasi right after ko maglaba, tumunog ang phone ko.

Ian: “Uy Nik. Sabi ni lola kung nandyan ka na ba daw sa bahay ni Lola Glory?” 
Me: “Oo. Lokohin mo. Kalalaba ko lang ng uniform ko. PWEDE NA KO MAG-ASAWA. Bwahahaha!”
Ian: “Sabi ni lola patay kang bata ka.”

Hindi pa ba pwede? LOL. Pwede na yan! Yun nga lang, wala pang pakakasalan. HAHA!
At dito nagtatapos ang kwento ng roller-coaster day and mood ko. Nabadtrip gawa nung lalaki sa jeep, nalungkot sa pagkamatay ng isang pasyente, natuwa dahil nakapag revive ng tao at nakapaglaba for the first time.

P A H A B O L:
Hindi ako maka-get over dun sa ampule. Ang sexy ko daw eh. LOL. HAHAHA! Ang sexy ko daw magbukas. :)

H I N T:
Na-cute-an tuloy ako sa nagsabi sa akin nun. Si sir… I forgot the name. Staff nurse sa PDMMMC na ilang beses kong nakatabi at naka-usap kahit sa napaka bilis na oras.
T R U T H:
Crush ko. :”> HAHAHAHAHAHAHAHA! 

F I N A L E:
Crush lang naman eh. :) Sana ka-duty ko ulit bukas. LOL. 

Saturday, September 15, 2012

PISTANTHROPHOBIA

image


Spent the whole day alone in my room. I’m not in the mood to go out and I’m not feeling well. Kesa mabaliw ako sa pag-iisa, naghanap na lang ako ng makaka-usap sa facebook. I checked my friends who were online and had a little chit-chat. Hanggang sa nakatanggap ako ng notification na may nagsulat sa wall ng isang group na kabilang ako. Nagpapa-follow siya sa blog niya so I did. It’s just a small favor kaya binisita ko blog niya.
imageAnd then I found a photo post that inspired me to create this one. 
Ayan. Naka-relate ako masyado kaya napagawa ako ng post ng hindi oras.
After seeing that photo, I consulted Google to verify the meaning of that word. Pistanthrophobia means fear of trusting someone or people. Bakit nga hindi magkakaganyan ang tao kung wala namang pinagmulan ang takot sa pagtitiwala? Sabi nga diba, lahat ay may dahilan. Kaya kung may taong takot magtiwala, posibleng nakaramdam sila ng sakit sa pagtitiwala.
I am so much affected by this. I mean nararanasan ko ngayon ang takot na magtiwala ulit sa taong minsan nang nakasakit sa akin. Napatawad ko, oo. Pero ang magtiwala ulit, mahirap. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko man magtiwala completely pero may pumipigil sa akin na hindi ko alam at di ko maintindihan kung ano. Di ko alam kung takot talaga ko magtiwala o takot akong masaktan ulit o pareho. Ewan! Di ko alam.
Basta nakakasiguro ako na kung ano man yung bumabagabag sa akin ngayon, lilipas din sa takdang panahon. Yung tiwalang nawala para sa taong nakasakit sa akin, alam kong babalik din. Nakapagpatawad naman na ako at naging mahalaga din naman tong taong ‘to kaya I’m sure, babalik at babalik ang tiwalang nawala.
Sa mga nakakarelate, wag na lang kayong matakot buksan ulit ang puso niyo. Alam kong mahirap ibalik ang tiwalang nawala pero isipin niyo yung halaga nung taong iyon. Lahat ay maiaaayos sa tamang panahon.

Friday, September 14, 2012

Ngiti Tayo Kaibigan Chatroom

free flash chat rooms everywhere.

TO HIM I LIFT MY VOICE


I was thinking of a nice post to update this blog. As I scan through the pictures I have in Facebook, something came out my mind.

Most of my friends know and of course my family how I love singing. It has been my passion for so many years – since birth. HAHA! Well, I started singing when I was 3 and I’ve never let go of it.

Ever since, I wanted to become a singer. I want to perform on stage with live band, go on concerts, entertain huge number of people and so on. All I want is to share my talent and be known for what I can do. Not to boast but to inspire other people go on with their dreams. That was my plan.

When I turned 7, I wanted to become a church choir member. I don’t know why but I was amazed by the voices I hear every time I hear mass every Sunday. I’m curious how voices blend in different pitch, tone, and others. During that time, I told myself that one day I’ll be part of a church choir.

In order to fulfill my dreams, I joined our school’s glee club and even enrolled to a voice training school. That time, I’m learning how to differentiate pop and classical singing.
I’ve been into pop songs ever since but when I started joining the choir, I appreciated classical singing.

Here I am today. Lifting my voice to the Lord for 7 years. Thankful for having 2 groups who welcomed me to share my skills.


Serenata Choir during the Christmas Eve of 2011
I’ve been with Serenata for almost 4 years. Being with them is not that easy. From soprano, I switched to alto because of the number of members. But then again, it made me realize the flexibility of my voice. I sing with Serenata every Sunday at 6pm.

Triads during Mark’s 21st birthday celebration
Joined Triads last year because of my bestfriend, Mark. I heard they’re needing more sopranos. So there. I joined them to learn songs that I’ve never tried singing so that I can teach and share it with Serenata people when our pianist migrates. I sing with them every Sunday at 10am.

Yes. I’m attending Sunday masses twice. I’m singing for the Lord. I believe that singing is twice praying so I always find time to practice with them. But of course, hospital duty matters most. Both group understand my situation as a graduating student nurse so I think there’ll be no problem.

Serenata and Triads Choir combined (Black Saturday 2012)
I’m happy being with them. Dealing with different individuals with different character is hard but I’m doing this for the sake of serving our Lord with the talent He gave me. And I hope that I’ll be part of these group for the rest of my life. And maybe, when time comes, my future children will occupy the slots. ;)

FEELING DIFFERENT


I’m not in the mood and I’m not feeling well since yesterday. This is not me anymore. I mean, I know that this feeling is unusual. For a hyper and energetic girl like me, I’ve never thought of becoming like this – powerless, increased procrastination, over-thinking, and worse anti-social.

I must be in Batangas right now. But instead of going there, I chose to stay at home and do nothing. I planned to go swimming, have another zipline adventure, talk, laugh and bond with Kimmy but I’m not in the mood to do all things. I planned this weeks ago and I wasn’t expecting myself to switch plans and be alone here in my room.

What’s happening to me? *sighs* Something’s really wrong. But that something is not yet identified.

Thanks blog!  You never leave especially in times like this.

I want to be okay. I have to. I must. I shall.

Wednesday, September 12, 2012

SINO SA DALAWA?


May mga bagay sa mundo na akala natin yun na. Akala natin tama ang desisyong ginawa natin pero yun pala lahat ay sa umpisa lang. Dun sa desisyon mo, may mga tao kang nasaktan na hindi sinasadya. May mga taong lingid sa kaalaman nila’y hindi ka magdedesisyon ng ganun pero nagawa mo. Ikaw naman, sinunod mo lang kung anong sinasabi sayo ng puso mo. Yun lang. Hindi mo intensyong makasakit ng iba pero yun ang nangyari.
Biglang dumating yung araw na naisip mo na nagkamali ka ng desisyon. Hindi dapat ganun ang nangyari at sana hindi na umabot sa puntong naka sakit ka ng iba. Hindi mo alam kung sinong sisisihin pero ang totoo, sarili mo lang ang kalaban mo.
Masarap umibig, alam niyo yan. Hindi yan napipigilan ng sinoman. At kahit kanino pwedeng dumapo yan. Minsan sinasabayan pa yan ng tadhana kaya lalo kang nawiwindang. Siguro nga nakakabaliw ang pag-ibig pag sayo ito dumapo. Pero tama ba ang naging desisyon mong pumili ng taong mamahalin ngunit iiwan ka rin sa huli?
Minsan pag nagmahal ka, hindi mo alam na may taong nagmamahal at naghihintay sayo. Merong taong nasasaktang makita kang masaya sa piling ng iba. Pero kasalanan mo bang magkaroon ng mahabang buhok? LOL. Hahaha! Kiddin’ aside, kasalanan mo bang maunahan siya ng iba na ipagtapat ng mas maaga ang nararamdaman niya?
Ayun at nasaktan ka ng taong pinili mo. Yung taong naghihintay at patagong nagmamahal sayo ay lumayo. Ikaw, naghahanap ng masasandalan. Pasalamat na lang dahil may mga kaibigan kang handang sumaklolo sayo. 
Dumating ang araw na nagka-usap kayo nung taong lihim kang minamahal. Simpleng kamustahan at biruan na nauwi sa aminan. Pero ikaw, kailanman ay hindi mo madaya ang sarili mo na wala ka talagang nararamdaman para sa kaniya. Hindi mo naman siya pinaasa dahil hindi naman niya sinabi ang nararamdaman niya noon. Kahit ilang buwan na ang nakalipas mula pa nung simula ka niyang layuan, nandiyan pa rin siyang hindi napapagod para maglaan ng kahit konting oras para sayo. Pero ikaw, kahit na ilang buwan na kayong hiwalay ng ex mo, hindi mo pa rin magawang buksan ang puso mo para magmahal ng iba.
Ang hirap ano? Lalo na pag biglang pumasok sa isip mo na pano kaya kung pinili mong mahalin yung taong hindi umamin kaagad na mahal ka niya, siguro hanggang ngayon masaya kang may ka-relasyon. Pero ganyan talaga ang buhay. Mapaglaro ang tadhana at si kupido. 
Sinong pipiliin mo: ang taong mahal mo dahil alam mong mahal ka o ang taong nagmamahal sayo pero di mo naman mahal?

NO LEFT TURN


image
Sa ganyang sitwasyon, sino ang tunay na may kasalanan? Yung slut ba o yung lalaki? Sabihin na nating hindi naman laging lalaki ang nagkakasala pag dating sa ganyan. May mga babae ring salawahan. Yung iba nga hindi lang salawahan eh, tatluhan, apatan, sige kanila na lahat! Pero bakit nga ba nakukuha ng isang tao ang mangaliwa at hindi makuntento sa kung sino ang ka-relasyon nila?
Pag may malanding babae, walang pinipiling sitwasyon yan. Walang pakialam kung may relasyon o wala yung lalaking natitipuhan nila. Uso sa kanila ang kasabihang, “Ang asawa nga nasusulot, yun pa kayang hindi kasal?” Lahat ng paraan ng pang-aakit magagawa nila. Text text, friends kunyari pero ang totoo patagong sinisiraan na yung babaeng ka-relasyon ng lalaki. Lahat gagawin o sasabihin para lang ma-impress yung lalaki at ipa-realize sa kanya na mas higit siya kesa dun sa girlfriend o ka-relasyon. Para lang makuha yung loob nung lalaki, lahat talaga ng paraan papasok sa isip. Kapal na lang ng mukha kahit na alam na mali, patuloy pa rin sa ginagawa. 
Ang mga walang hiyang lalaking pumapatol sa ganyan, walang kwenta. Yan yung mga walang isang salita. Mga feeling gwapo. Akala nila kaya nilang makuha lahat. Para silang stick ng fishball at sige na lang ang pagtuhog. Nung una puro pangako ang bibitawan para lang mapasagot yung babaeng sinasabi nilang mahal na mahal nila. Pero dumating si tukso at nagpadala ang gago. So papaano na ang pangako sa girlfriend? Wala. Ang pangako ay napako. Hanggang salita na lang. Biglang lumalabas sa kanila yung kasabihang “Mas mahal ko pala siya.” Mas mahal agad eh nagpalandi ka lang?! 
Ang mga babae di din nagpapahuli. Feeling maganda naman sila. Di makuntento sa isa. Diyan lalabas yung “Napupunan niya kasi yung mga pagkukulang ng boyfriend ko eh.” May mga malalambot na puso ang mga ito. Madaling ma-fall sa mga kasinungalingan sinasabi ng mga lalaki lalo na pag tunog sweet pero ang totoo pambobola lang. Ito yung mga hindi masyadong nakaka-appreciate ng effort ng mga ka-relasyon nila.
SINO ANG MAY KASALANAN?
Kung ako ang tatanungin, hindi kasalanan ng “slut” ang nasirang relasyon. Kasalanan ito nung taong nagpadala sa temptasyon. Given na may mali talaga yung slut na yan lalo na kung alam naman niyang may masisirang relasyon pero wala siyang pakialam. Nasa lalaki o babae na yan kung paninindigan niyang in a relationship na siya o kakapalan ang mukha at mananatiling single sa mata ng iba. 
Ganito lang naman ka-simple yan mga kaibigan. Kung matino ka talagang tao at seryoso ka sa relasyon niyo, kahit ilang libong slut ang tumambad sa harapan mo, mananatili kang tapat at totoo sa taong pinili mong mahalin. Dapat umpisa pa lang kinukundisyon mo ang sarili mong humanda sa ganyang sitwasyon. Hindi maiiwasan yan. Ang tukso ay nasa paligid. Choice mo kung magpapadala ka o mananatili ka.
No left turn. If you’re good enough then go straight ahead. Konting kunsensya naman mga kaibigan. Pag kayo napaglaruan ng karma ewan ko na lang. Wag feeling gwapo o maganda. Ikaw rin. Hindi lang relasyon ang nasisira sayo, pati pagkatao mo.
So kung nakaka-relate ka at kasalukuyang nasa ganitong sitwasyon, paalala lang kaibigan, wag mong hintaying mangyari sayo ang ginagawa mo pag dumating ang panahong maniningil ang tadhana. Ang karama’y nasa paligid lang. Ingat ka.
Para sa mga nagmamahalan, pagtibayin niyo ang pagsasama ninyo. Wag na lumingon pa sa kanan o kaliwa. Pinili niyo ang isa’t isa kaya panindigan ang mga pangakong binibitawan.
Sa mga single, wag na wag kayong magbalak maging “slut”. Wag mo namang ipahalatang uhaw na uhaw ka. Maghintay ka ng para sa iyo. Kusang darating ang tunay na pag-ibig.
Maging masaya sa kung anong meron kayo ngayon. Life is not that perfect. People are imperfect too. Then live your life with a good heart.
Ngiti tayo kaibigan!

BEST WISHES


I’m so happy for a friend who wished for a right man to come. Someone who’ll complete her and love her for the rest of her life. A man who came unexpected and fell in love with her in a snap and caught her eyes right away.
The long wait is over. Everything was just a dream but finally came to reality. I hear wedding bells! Love is definitely in the air and I know it’s forever. I can’t explain my happiness for them. I thought I would get married first but things happened beyond my control. I guess it’s not yet my time and there’s no one to marry yet so I’ll just wait for my turn and continue praying for the right man to come.
Everything is already set! Church, complete list of the entourage (happy being her made of honor - thanks Kim!), the wedding singers (my pleasure to sing on your special day), the venue for the reception, the finest foods to be served, and all others are perfectly planned. 
*sighs* I can’t believe it will happen soon. Really soon! So all I can say for the both of you, Kim and Jeff, BEST WISHES! :)
image
JOOOOOOOOOKKKEEEEEE! HAHAHAHAHAHA! :)
Erase, erase, erase! HAHAHAHA! Naniwala kayo noh? :P LOL. Kung oo, napatunayan ko na effective talaga akong blogger sa inyo pero hayaan niyo munang magpaliwanag kung bakit ko nagawang mag joke.
Kanina kasi sa ER (Emergency Room), napag-usapan ang citizenship ng napaka galing kong kaklase na si Kim. HAHAHA! Tapos yung staff nurse na kausap namin may plano mag-abroad. Tamang-tama na American citizen na si Kim so uso dun ang pagpapakasal para mapabilis ang petition tapos after a year divorce agad. 
Ayun na nga. Nagkayayaan na magpakasal. Alam naman naming joke lang (baka nga hindi) kaya gumana na naman ang kabaliwan ng pag-iisip ko at sinabi ko kay Kim lahat ng magiging plano sa kasal niya. Nagprisinta agad akong wedding singer at made of honor. HAHAHAHA! Pati magiging ninang niya sa kasal ako na mismo nagplano. HAHAHA!
Yun lang naman. Pero malay natin magkatotoo diba? Nothing is impossible. Tiwala na lang. HAHAHA!