Wednesday, July 25, 2012

I'M A HAPPY FRIEND


I’m tired of looking for the perfect theory for my study so I ended up visiting my facebook. While scrolling down my news feeds, I saw my childhood friend’s status that really touched me and made me happy for him. Yes. Masaya ako para sa kaniya dahil nagbago siya dahil sa girlfriend niya.
I knew my friend when we were I think 6 or 7 because our grandparents were really close friends and we lived in the same village. Walang nagtatagal na relasyon sa kaniya kasi maloko siya. Seriously! Ganun naman karamihan sa mga lalaki diba? Di nakakaiwas sa temptation kaya nasisira ang relasyon. Happily, nalaman ko na 6 months na sila ng girlfriend niya ngayon and natutuwa ako na ang laki talaga ng pagbabago nung friend ko. Sabi ko sa isip ko, “Sa wakas! Nakahanap siya ng katapat!” Kasi naging ex din niya yung kabarkada ko and hindi din sila nagtagal. Hopefully his relationship now will last. I’m happy for him. 
Natutuwa ako kasi nakikita ko yung sarili ko dun sa girl. As a girlfriend, I always remind. Hindi naman kasi para sa akin yung sinasabi ko eh, para rin naman sa boyfriend ko yun. Sadly, feeling ko balewala lang so okay fine. Hayaan. Buhay naman nila yun. But for my friend, bawat paalala ng girlfriend niya ginawa niyang habit. His girlfriend never asked him to change but he chose to make his life different because of that girl. Nakakatuwa. Natutuwa talaga ako para sa kaniya. 
“No one will ever be better than you because you are the best. There is only one <girlfriend’s name> in the universe, and I’m happy to have the brightest star in the sky in my life. Thank you for everything. I’m happy and proud enough to shout to the world that I love you.” -DP <my friend’s initials>
Ang sweet! Parang nauna pa kong kiligin kesa dun sa girlfriend niya. At parang ako yung sinabihan ng ganun. Lucky girl, she has my friend. And congratulations for a job well done! Sa lahat ng mga naging girlfriend nun, itong latest ang nakapagpatino sa kaniya. In fairness talaga. That’s what you call true love. Why?
When you love, you don’t ask or beg someone to change for you. You must be the inspiration for that someone to change. Mahirap kaya magbago. And when you really love that person, kahit anong mali sa kaniya tatanggapin mo. Like me and my friend’s girlfriend, puro paalala lang ang ginagawa namin. Choice nung lalaki kung susunod siya o hindi. If I’m the girlfriend, I’ll be proud not for myself but for the guy who changed because I cared. Yun lang. Kasi hindi naman sinabi nung girl na you have to be like this and like that eh. Parang ako. I don’t demand, I just remind.
Okay. Another post was made because I was inspired. Nakakakilig eh. About me? Kinikilig ako sa kanila dahil walang kakilig-kilig sa akin ngayon. Haha! Di na ko hihiling ng tamang lalaki para sa akin. My prayer is to be the right girl for the man God will give me. Yun lang. Sa tuwing hihiling kasi ako ng tamang lalaki, pag nandiyan na, sinasaktan naman ako. So I changed my prayer. Baka sakaling siya na talaga diba. Regardless the distance, age and anything.
I’m a girl full of love so I believe that I can give love easily - in God’s perfect time.

No comments:

Post a Comment