The routine I do when I wake up every morning is to search for my phone even though my eyes are still close and check for unread messages, e-mails, facebook notifications and twitter mentions. And then I’ll spend minutes reading tweets from those I follow and reply in tweets mentioning me. Kaya mas madaldal ako sa twitter eh. Hindi pa ba halata sa mahigit sampung libong tweets?! LOL.
This post concerns all my comments regarding some of the tweets I read from my timeline. Minsan kasi dun ako nakakakuha ng idea para makagawa ng magandang sulatin. Dun din ako na-iinspire at minsan natatamaan din ako sa mga nababasa ko. I’m really not a negative person ever since eh. Lumaki ako ng laging pinapalitan ng positive things ang mga bagay kahit na hindi ko maitago sa sarili ko na nasasaktan at nalulungkot din ako.
Now, I’ll be posting some of the tweets in an open and close quote. My comments will be posted under each. Remember: everything I’ll say will be coming from my heart. None else. :)
“Happiness will never come to those who don’t appreciate what they already have.”
Totoo naman diba? For me this is true. Bata pa ko tinuruan na ko maging appreciative ng mga magulang ko. At proud akong ipaalam sa mga tao na hanggang ngayon tangay ko yung pangaral sa akin. Marami kasing tao na hindi kuntento sa buhay. Alam ko na hindi lahat ng tao kaya maka-afford ng ganito o ganyan. Think of this: sa mga materyal na bagay lang ba magiging masaya? Nah-uh! Ako kasi Kahit sa maliit na bagay o pangyayari, pinagpapasalamat ko. Kahit hindi magandang pangyayari pinagpapasalamat ko pa din. Practice being thankful of what you have now and what you are today and you’ll be happy. Kasi kung hindi ka grateful, hindi ka talaga magiging masaya. Appreciate everything in your reach! You are blessed! :)
“Pag nasasaktan ang mga babae, pareparehas na ang tingin nila sa mga lalake.”
Sorry to say pero natamaan ako dito. Setting my gender aside, parang ang hirap kasi maniwala pag may nasira na eh. Anong hidden subject diyan? Tiwala diba? Yun at yun lang naman eh. Dun lang naman umiikot yun. Nagmahal ka, naniwala, umintindi at nagtiwala. Kaya ka nasaktan kasi ginawa mo kung anong nararapat. Hindi ka lang pinahalagahan. Kaya lang naman nagagawa namin mag-generalize ng mga kalalakihan kasi paulit-ulit naming nararanasan. Need I say more? Ladies, are you satisfied with my comment? Gentlemen, NOW YOU KNOW!
“Lahat ng bagay nawawala. Lalo na ang feelings kung laging nababalewala.”
This one is somewhat related to the unfinished story I heard from the radio. And this one is surely related to those who fell in love - like me. Totoo naman ito eh. Lalo na sa mga tulad kong kailanman ay hindi nagloko. Uso ang salitang “nakakapagod”. Mahirap bang tanggapin ang katotohanan? Masakit diba. Just take this as a lesson.
“Ako? Marunong kasi ako magpahalaga ng taong mahal ko.”
Always. Lahat ng taong naging parte ng buhay ko ay minahal ko at patuloy kong mamahalin. Siyempre yung mga naging “special” sa buhay ko. Sila talaga yung minamahal ko. Lahat naman tayo siguro ganun. We give importance to the people we love. Ako kasi when I love, I embrace everything. I take the risks. Kaya pag nasaktan ako ibang klase din. Oh basta yun!
“You’re telling me things I want to hear, but you’re not showing me the things I want to see.”
Contradicting, right? Nangyayari naman talaga yan eh. Magaling sa salita, kulang sa gawa. Ilang beses ko na rin naranasan yan. Kaya please, wag niyo kong sisihin kung naging manhid ako at hindi ko pinaniniwalaan ang mga sinasabi niyo. It’s just that… hmmmyeah. I don’t demand but I know what’s lacking. I don’t complaint because I understand. But sometimes my routine makes me tired. Dapat na ba baguhin? Naah! Para ko na rin sinabing baguhin ko kung pano ko magmahal. Hell no! I’ll be happy having someone who appreciates me and will love me because of who and what I am.
“I told you what hurts me the most. and you did it perfectly!”
BOOM! Napa-smile ako nung nabasa ko yan eh. Parang ganito lang yan eh, I told my plans in life, you made me believe that you’ll be with me but you left me. Next time di na lang ako magsasabi. Kasi nagiging way pala yung pagiging open ko para ibato pabalik sa akin at pagmukhain akong tanga.
“Don’t let her fall if you’re not willing to catch.”
Oo nga. Pwede ba. Wag nga kayong ganyan. Oo kayo lang! Kasi hindi ako ganyan. Kasi when someone’s falling for me but I really can’t entertain because I’m falling for someone else, nagsasabi talaga ako ng totoo dun sa tao. Ayoko kasi paasahin yung tao. Madali ako makunsensya! At ayokong ayoko yung nakakasakit ako kaya kahit alam kong masasaktan siya, aaminin ko na lang kung anong tunay kong nararamdaman kesa naman sa maghintay at umasa siya diba? Get me? Anyway. Don’t let someone fall if you’re not willing to catch. Kung sinalo mo man, salamat. Pero sana di mo bitawan diba? Nakakagago lang eh. Sasaluhin tapos bibitiwan. Ano kami bola? Oo na. Mukha na kong bola. HAHAHA! Pero wala kayong karapatan para gawin sakin yan.
“Kung mahal mo ko, bakit mo ko iiwan?”
Grabe. Oo nga naman. Kung mahal mo bat mo iiwan? BAKIT NIYO KO INIWAN? Related much?! Pero kasi totoo naman eh. Ang galing magsabi pero hindi ginagawa. Pero dahil nga sa positive ako mag-isip, ganito ang perception ko diyan. Breaking up doesn’t mean leaving you in a snap. Pwedeng tapos na ang relasyon niyo pero nananatili kayong magkaibigan. That’s important. Masasabi mo lang yan pag talagang after break up, wala nang usapan. Congratulations! Pareho kayong bitter. LOL. HAHAHAHA!
“Mistakes have the power to turn you into something better than you were before.”
Yan ay kung desidido ang tao para sa pagbabago. Nagawa ko na yan kaya malakas ang loob kong mag comment. Hindi ako perpekto. Nagkamali at nagkakamali pa din ako. Pero ang pagkakamaling ginawa ko na noon ay hindi ko na dapat ulitin pa. Bukod sa nagsasayang lang ako ng oras, ginagawa ko lang tanga ang sarili ko. I just want my life to be happy. Mistakes will always be present but repeating it is what you call stupidity. Mahirap magbago pero kakayanin kung talagang gusto mo. Pag gusto maraming paraan. :)
“Sa oras na sinabihan mo ang isang tao ng, “MAHAL KITA.” OBLIGASYION mong panindigan at patunayan yun.”
Mean what you say and prove your statement. Kaya wag sasama ang loob pag may nagtatampo sa inyo. Wag din kayo magagalit pag hindi na naniniwala sa inyo. Be true to your words. Wag mo na lang sabihin kung hindi mo rin kayang ipakita. Ganun lang yun. Wag pumasok sa relasyon kung hindi kayang isabay sa trabaho, pag-aaral o kahit ano. Masarap ipaalam sa tao na mahal mo siya at masarap marinig kung malalaman mong mahal ka rin niya. Be fair enough! Kung nagagawa nung isa ipakita yung pagmamahal niya sayo, gumawa ka din ng paraan para ipakita sa kaniyang totoo ang nararamdaman mo. Kalimutan mo na muna pride mo. Walang magandang maidudulot yan. Kung lalaki ka, nasa iyo dapat ang initiative. Kung ikaw ang babae, just do your part. Obligasyon niyong pareho patunayan sa isa’t isa na nagmamahalan kayo. :)
Nakaka-relate ka rin ba? Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon at pananaw sa bawat pangyayari at kasabihan. May sarili rin tayong isip kung pano natin ito gagamitin para gabayan tayo sa mga desisyong ating gagawin. Masarap pala ang ganito. May bago na namang akong obligasyon para sa inyo… Yun ay ang i-share sa inyo ang mga nababasa ko at ang komento ko.
Next time ulit! :)
No comments:
Post a Comment