I was once affected by what our priest said during his homily - the difference between being good and being stupid. Kabutihan o katangahan, alin sa dalawa ang ginagawa mo?
Bigla ko lang naisip lahat ng ginagawa ko sa mga kaibigan ko o sa mga tao sa paligid ko. Sabi nga nila, “it’s better to do good things than to be nice”. Bakit kaya? What’s the reason behind that saying? Well of course I have my own interpretation. Iba-iba naman tayo ng opinyon eh. Anyways…
Kaya ko naisip yang title ko kasi minsan dumarating ako sa point na iniisip ko kung tama ba pa yung mga kinikilos ko. Hindi ko alam kung mabuti yun o sadyang nagpapaka tanga na lang ako. Yeah. Here I go again. I’m so hard to understand every time I write certain topics without stating examples or anything. May ugali kasi ako na tumulong ng tumulong. Like I put others above me. Yun bang when someone needs me, basta may oras ako go agad ako. I’ll help. I’ll do everything and exert effort to help that person. Ewan ko ba. Nabubulag na lang ako pag tumutulong ako. I mean, may mga nagsasabi kasi sakin na inaabuso na ko or whatever. Pero kasi parang hindi ko matiis. Kahit na minsan paulit-ulit na at kinaiinis ko na, still I care. I share what I have and offer help.
And then stupidity enters. Yeah. Yun na ata ang tinatawag na katangahan. Yun bang ilang beses ka na nasasaktan dahil sa kabutihan pero sige pa rin. Sakit ko na to noon pa. Ano bang gamot sa katangahan? Hahaha! Wala naman diba? Pero kasi hindi ko iniisip na katangahan ko yun eh. It’s merely about me giving a hand. I help without asking anything in return. Basta nakatulong ako or nakapagbigay ako, masaya na ko dun. And that happiness I feel covers all negative meanings behind. Inuuto or niloloko na pala ko, hindi ko man lang alam. Malalaman ko na lang pag may nagsabi sakin na I have to stop.
Am I good or am I stupid?
No comments:
Post a Comment