Wednesday, July 18, 2012

CHANCE


How will you define chance? For me, it’s similar to an opportunity and/or a possibility. Why is chance given to people? And why is it asked? Why do some people just take it for granted? Is chance just a chance? How much do we give importance to it? Who deserves it?
Ang daming tanong ‘no? Siguro hindi sapat yang mga tanong na yan para maipaliwanag mabuti kung ano ba talaga ang chance. Ako lang siguro nagtatanong niyan. Nadala lang siguro ako sa nagtanong sa’kin kaya na-inspire ako magpost dito about this topic. Susubukan kong sagutin lahat ng tanong na nandiyan. As what I always say, everything I post here are purely my own perception and opinion. 
Bakit ba tayo humihingi ng pagkakataon at bakit tayo humihingi nito? Ako, nagbibigay ako ng pagkakataon sa lahat. I give chances to people who I gave importance and who are special to me. Sino ba yan? Friends, relatives, special relationships and others. Lahat yan kaya kong bigyan ng chance. Why? All of us are not perfect. Kahit gano pa kasama ang isang tao, s/he deserves another chance. Only change is constant here. Lahat ng tao pwedeng magbago. Hindi nga lang lahat mahaba ang pasensya para magbigay ng isa pang pagkakataon. 
People ask chance to prove themselves wrong. Ang mga taong humihingi ng pagkakataon ay ang mga nagsisi, tinanggap at umamin sa kanilang mga pagkakamali. Yan ang mga totoong tao. Hindi yung hihingi ng chance tapos babalewalain lang. I’ve encountered those kinds of people. Bibigyan ko ng chance pero hindi naman nila mapatunayan na deserving sila. But you know, honestly speaking, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit ilang beses akong saktan ng mga tao, patuloy pa rin akong nagbibigay ng chance. I really don’t know. And I don’t hate myself for doing that. Nagiging masaya ako pag nagbibigay ako ng chance. Ang iniisip ko kasi, ako rin naman nagkakamali. And I ask for another chance too. Apply lang ng golden rule - “Do unto others what you want others to do unto you or Do not do unto others what you don’t want others to do unto you.” Simple as that. 
Hindi naman kailangan bilangin ang dami ng pagkakataong binigay mo. Wag mong isumbat yung kabaitang ginawa mo. Though at times you really feel bad about having someone who just taken you for granted. Hayaan niyo sila. Humingi man ng chance o hindi, tanggapin mo pa din. Hindi ka naman perfect para magtapon ng pinagsamahan at hindi lang siya ang nagkakamali. Aminin natin na nagkakamali tayo. Wag ma-pride kung lalong wala na sa lugar. Learn to accept things.
Para sa mga hingi ng hingi ng chance, mahiya naman kayo. Wag kang hihingi kung di mo kayang patunayan. Wag abusuhin ang pagkakataong binibigay sa inyo. Hindi niyo alam, baka dumating ang araw na wala ng maniwala sa inyo.
Give chances. You’ll be happy.

No comments:

Post a Comment