Sunday, December 4, 2011

WALANG KAPALIT

Paano mo masasabing kaibigan ka para sa isang tao? Anong mga katangian ang taglay mo para masabi mong isa ka ngang tunay na kaibigan? Paano mo masasabing kaibigan mo ang isang tao? Anong mga katangian nila ang pumasa sa taste mo? Magulo ba? Simple lang yan. Bigyan mo ng konting oras ang sarili mo para kilalanin ang sarili mo at ang taong nasa paligid mo. At siyempre, maging gabay din sana ang sulatin na ito para sa iyo.

Merong kasabihan na you can't find a friend if you're not one. True! Parang ganito lang yan eh: you can't give what you don't have. Unahin mo munang kilatisin ang sarili mo. Kilalanin mo munang maigi ang buong pagkatao mo bago mo kilalanin ang iba. Mahirap ang puro akala dahil ikaw rin ang mahihirapan at masasaktan sa huli. Wag magpadala sa kung anong nakikita mo sa kasalukuyan. Obserbahan mong mabuti ang kinikilos ng mga taong gusto mong tawaging kaibigan. Di na baleng sabihan ka ng "choosy" sa kaibigan pero tandaan mo na ang kaibigan ay pwedeng sumalamin sa pagkatao mo. Hindi dahil sa kasama mo palagi ang isang tao, maaari mo na siyang tawaging kaibigan. Kasama mo nga, kung anu-anong kwento naman ang kinakalat pag nakatalikod ka. Wala rin yun! Sayang lang ang effort mong maging kaibigan sa kaniya.

Magset ka ng standard or criteria para alam mo kung sino talaga ang matatawag mong kaibigan. Hindi totoo na sa boyfriend/girlfriend lang ginagawa yun. Dapat mas ginagawa yun sa pagpili ng kaibigan dahil ang matatag na circle of friends ay magiging tulay para makahanap ka ng makakasama para sa habambuhay.

For me, friendship has different levels:
  1. Acquaintance. Yan yung kilala ko at kilala lang ako by name. Pwede mo siyang madalas kasama pero hindi ka kumportable magshare ng mga bagay-bagay sa kaniya.
  2. Friend. Para sa'kin kasi, friend ko na ang isang tao pag may alam na siyang 10% sa akin. Mga paborito, usual mannerisms, attitude, and other superficial traits. Basta 10% tungkol sa'kin, friend yun. Sila rin yung mga nakapasok na dito sa bahay namin. Dito rin pumapasok yung mga madalas kong kasama at kahit papano ay nakakapag kwento ako ng mga bagay-bagay. Alam nila ang kahit na 15-20% tungkol sa'kin.
  3. Close friend. Sila yung mga napakilala ko na sa family ko at parang best friend kung kumilos. Yung tipong akala nila 90% ng pagkatao ko alam nila but a close friend for me is someone who exerts effort to be my best friend. Ito yung mga taong kahit hindi nakikita ng mommy ko, kilala pa rin niya by name. Well, hirap naman na rin kasi magmemorize ng pangalan ang nanay ko sa dami ng mga pinakilala ko sa kaniya pero pag close friend kita, kilala ka niya. These people know me 30-50%. At sila rin yung mga taong pinagpipilian kong isama sa best friends category ko.
  4. Best friend. They know me 80-90%. Sila yung mga may sinasabing katangian ko na nagugulat na lang ako dahil katangian ko pala. Sila rin yung tinuturing kong anak na rin ng mommy ko dahil minsan pag nagkakaron ng di pagkakaintindihan, mas kinakampihan pa sila. Hahaha! Ito rin yung mga taong pwedeng maglabas-pasok dito sa bahay. Yung tipong nagugulat na lang ako dahil katabi ko na pala sa kama. Sa kanila ko binubuhos lahat ng sama ng loob ko at hindi nagsasawang pakinggan ang drama ko sa buhay. Masasabi ko na tanggap nila kung sino ako. Alam nila ang pasikot-sikot ng ugali ko at kailanman ay hindi idadamay ang pagkakaibigan namin sa minsang baluktot kong pag-uugali. Sila yung sigurado akong malalapitan ko sa oras na kailangan ko ng kausap. Tested ko na ang mga yan! Kahit gaano pa ka-busy yang mga yan, basta alam nilang kailangan ko sila, binibigyan nila ako ng oras.
Iba-iba ang pananaw ng bawat tao pag dating sa friendship. Pero bakit nga ba kailangan ng tao ng kaibigan? Naniniwala ako na nilikha ng Diyos ang kaibigan para makasama natin sa mga panahong pakiramdam natin ay wala tayong nakakasama dahil hirap tayong sabihin ang nararamdaman sa mga magulang natin. Ganun naman lagi diba. When you feel like your effort and ideas are rejected by your parents/family, you tend to share your feelings to someone. Mahirap sarilihin ang problema dahil baka sa mental ka na pulutin or worse, magbalak kang magpakamatay. Wag niyong kalimutan na kaya tayo nakakakilala ng mga tao ay para mapili natin kung sino ang bibigyan natin ng tiwala para matawag nating kaibigan.


Sa level ng friendship na nilagay ko sa taas, wala akong masyadong pakialam sa acquaintance. Pero mahalaga sila para makakuha ka ng kaibigan at baka maging matalik mo pang kaibigan sa huli. Nasabi ko lang na wala akong masyadong pakialam kasi alam ko sa sarili ko na nakapili na ko ng mga taong nasa level ng friends, close friends at best friends. Hindi ko kailangan ng libo-libong kaibigan. Basta alam kong matatag ang samahan namin ng mga best friends ko, kahit tatlo lang sila, masayang-masaya na ko. 


Siguro nga hindi ko nailagay lahat ng katangian ng mga taong nasa level of friendship ko. Baka isipin pa ng iba ay masyado ko nang i-neexpose ang traits nila. Kaya katangian ko na lang ang sasabihin ko.
  • Pwede akong maging kaibigan ng bayan pero hindi mo ko maaasahang tatawagin din kitang kaibigan. Ipasa mo muna yung criteria ko bago kita tawaging kaibigan.
  • Be a friend to me so I can be your friend. Kaibigan mo ko pag hindi ka nahihiya sa akin pero nirerespeto mo pa rin ako. 
  • Kaibigan mo ko pag handa kitang tulungan.
  • Kaibigan mo ko pag namumura kita kahit paminsan-minsan. Hahaha! 
  • Kaibigan mo ko pag binigyan kita ng kahit konting oras para makinig sa mga walang kwenta mong kwento. Dahil pag hindi kita pinansin dahil sa kakornihan mo, hindi kita friend at hindi mo rin ako friend. (MASUNGIT AKO EH!)
  • Kaibigan mo ko pag nasaktan ka na sa mga nasabi at nagawa ko. Pero everything is for you. Hindi naman kita ipapahamak eh. Ginagawa ko lang yun para ipa-realize sayo na hindi porket kaibigan kita, tatakpan ko ang mga mali mo. NO WAY!
  • Best friend mo ko pag nagawa mo nang tanggapin lahat ng masasakit kong sinasabi para ipaalam sa'yo ang mga katangahan mo sa buhay. 
  • Best friend mo ko kung kahit na gano karami ang ginagawa ko, basta kinailangan mo ko, ibibigay ko ang oras ko.
  • Best friend mo ko kapag hindi ako humingi ng kapalit at hindi ko sinumbat sayo lahat ng mabubuting ginawa mo para sa'kin. 
  • Best friend mo ko pag iniyakan na kita.
  • Best friend mo ko pag nagtampo ako kahit sa isang maliit na bagay.
  • Nasasaktan ako bilang best friend pag napapansin kong kinalimutan mo na ko dahil sa dami ng bagong taong nakikilala mo. Pero kahit na gaano pa karami yan, sure ako na pag kailangan mo ko, sasaklolohan pa rin kita.
  • Nalulungkot ako bilang best friend pag nakikita kong naiimpluwensyahan ka ng ibang kaibigan mo maging masama. Gagawin ko ang lahat para tulungan kang itama ang mga mali mo.
  • Ipaalam mo lang sa'kin na best friend mo ko, paninindigan ko. Pero mas masarap yung alam kong best friend mo ko at best friend din kita. Best friends tayo! 
  • Hindi kita iiwan. Ipaparamdam kong malapit lang ako sa'yo kahit na nasa malayong lugar pa ko.
  • Hindi ako humihingi ng kapalit pero sana hindi mo rin ako aabusuhin.
Iilan lang ang mga ito para sa mga katangian ko bilang kaibigan. Kilalanin mo na lang ako para ikaw sa sarili mo, malalaman mo kung totoo nga ang mga sinabi ko dito. 


Ikaw, kaibigan ka bang matuturing? May kaibigan ka bang maituturing? Ngayon pa lang, piliin ang mga kaibigan. Pag pakiramdam niyo, hindi magiging mabuti ang epekto nila sayo, bitawan mo na sila. Wag mong hayaang patakbuhin nila ang buhay mo. Dahil ikaw pa rin ang mismong magdedesisyon sa buhay mo. Piliin mo yung kaibigang tutulungan ka maging mabuting tao.


Salamat sa pagbabasa. Sana makilala mo ang tunay mong kaibigan. 

No comments:

Post a Comment