Maaga akong nag-ayos kaninang madaling araw para sumabay sa pinsan ko. Siya papuntang school at ako naman papunta sa duty. 5:15am nung umalis kami sa bahay kanina. Walang traffic kaya inuna ko muna siya ihatid sa school niya bago ako nagpahatid sa ospital. Pero dahil sa halatang excited ako magduty dahil 5:45am pa lang ay nasa tapat na ko ng ospital at 7am pa ang time ko, nagpababa muna ako sa pinaka malapit na Mcdo.
Tamang pagpapalipas oras lang, bumili na ko ng makakain dahil malakas ang kutob kong may case kami kaya kailangan ko ng sapat na “glucose” para hindi ako himatayin pag nakaramdam na naman ako ng pandidiri. HAHA!
Oo na. Ako na ang student nurse na hinimatay noon sa operating room dahil sa pandidiri. Take note, clean procedure pa yun ah. Meaning, walang dugo. Basta! Wag na kayong tumawa diyan. Tapos na yun. Move on! :)
Going back, umupo ako sa bakanteng mesa na nakaharap sa bintana. Yun bang kita ko na yung high way. Merong babaeng naka upo sa table sa harap at mukhang may hinihintay siya. High school yun, hindi ako nagkakamali. Kung hindi freshman, sophomore. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain ako at habang nag-iisip kung anong magiging case sa duty.
Maya-maya’y may dumating na lalaki. Naka uniform at lumapit dun sa babae. Okay. I get it. Magboyfriend pala sila. Tapos yung nasa kaliwa ko mag-asawa. Yung nasa likuran ko grupo ng nursing students galing sa ibang school at hinihintay nila matapos yung ka-grupo nilang lalaki na nasa kanan ko. Anyway, naka-focus ako sa mga batang nasa harap ko.
Nakita kong naglabas ng pera yung lalaki. (Hindi ko tinignan, nakita ko lang) Nagtatalo silang dalawa kung sino ang bibili. (Narinig ko lang, di ko pinakinggan) LOL. HAHAHA! Para malinaw! Baka sabihin niyo napaka chismosa ko eh. Hindi ko sinasadyang makita ang mga ginagawa nila at hindi ko sinasadyang marinig ang ibang pag-uusap nila. Sumakto lang na doon ako napa-upo malapit sa kanila.
Okay, game.
Inutusan nung babae (?) yung lalaki bumili ng kanyang food of choice pero bigla niyang binawi. Siya na lang daw ang bibili. So naiwan yung lalaki sa upuan. Ako, kumakain at nag-uubos ng oras. Pag balik nung babae, dun ko napansin na yung order niya ay para sa kaniya lang. Money from the young man and the food for the young lady. So in short, nilibre nung lalaki yung babae.
Sa isip ko, “Ganun na ba talaga ang panahon ngayon? Puro libre na lang pag nasa relasyon?”
So okay. Wala naman akong magagawa dun sa dalawang yun at wala akong karapatan pagsabihan sila na, “Mga bata, pwedeng mag-aral muna? Mamaya na magharutan!” HAHAHA! LOL.
Eh kasi naman, naglabas ng notebook yung lalaki at pinakita doon sa babae. Narinig ko yung babae na nagsabi na, “Ay pareho tayong walang notes.” HAHA! Pinigilan ko yung ngiti ko kasi sa loob-loob ko, “At proud ka pang pareho kayong walang notes?!”
Natatawa ko sa isip ko kasi na-realize ko kung gaano kapupusok ang mga kabataan ngayon. Pero okay, generation nila yun so wala na kong magagawa. Kung kapatid ko lang ang isa sa kanila, nakatanggap na ng sermon sa akin yun.
Anyway, tutor naman pala nung lalaki yung babae sa math. Nagbibigay siya ng examples habang nag-eexplain. Pero ang kumag na lalaki, di naman nakikinig. Sige ang halik sa kamay nung babae. So na-distract ang babae at tinigil ang pagtuturo. Ayun! Lampungan galore ang nangyari. HAHAHA! Kainis eh.
Okay lang naman pumasok sa relasyon. Sabi nga diba, ang love ay walang pinipiling edad. Pero utang na loob naman! Pwedeng know your priorities first? Kasi tulad nung nasaksihan ko kanina, hindi malabong may disadvantage yung ganung klaseng relasyon. Una, bata pa sila at parehong nag-aaral. Pangalawa, sabihin mo mang inspirasyon mo yung isa pero hindi ka naman makapag-aral kahit siya mismo ang tutor mo, wala rin!
Hindi ko sinulat ‘to dahil sa bitter ako dahil wala akong lovelife. Darating ako dun. Ang sinasabi ko lang, mag-aral muna. Saka kung kakain ka, mas masarap yung pareho kayong kumakain. Hindi yung ikaw lang dahil sa nilibre ka. Tandaan mo, pareho kayong umaasa sa pera ng magulang niyo. Kawawa naman yung isa kung sayo nauuwi ang allowance niya. Walang masama manlibre dahil choice niyo yan. Pero isipin niyo muna ang sarili niyo bago niyo isipin ang iba.
Hay! Talaga naman. Mga bata ngayon. Kaya maraming nabubuntis eh. Tsk tsk. Ingat-ingat kaibigan. Nagpapaka-ate lang ako dahil concern ako sa future niyo.